ANDREAS
"OH, bakit ayaw mo pa ring suotin ang maskara na ibinigay ng iyong ina? Napakatigas talaga ng ulo mo, Yura. Pati ulo ko, sumasakit sa kapasawayan mo. Halika nga. Lumapit ka sa akin nang mabati kita."
Malawak akong napangiti at dinamba at sinalubong si ama ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.
"Narito na po kayo, ama."
"Oo. Dahil kaarawan mo ngayon. Maligayang kaarawan, Andreas Yura."
Sobrang saya ang umapaw sa aking puso dahil sa pagbati niya. Lalo pa sa kaalaman na nagluluto ngayon si ina ng paborito kong pagkain. Kompleto kami ngayon at nagpaalam si ama upang hindi muna siya magtrabaho bilang kawal ng palasyo. Nanatili siya sa bahay para sa kaarawan ko.
Sana ay kaarawan ko na lamang palagi. Para palagi kaming kompleto.
"Susuotin mo ang maksara mo sa tuwing lumalabas ka. Naiintindihan mo ba, Yura, anak?"
Humiwalay ako at naglaho ang ngiti sa labi. Napasimangot ako at matigas na umiling. "Ama, papangit po ako kapag isinuot ko iyon. Tsaka hindi iyon magugustuhan nina Lom at Uz! Dahil hindi nila makikita ang mukha mo!"
Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. Kinuha niya ang maskara ko na nakalatag lamang sa lamesa at lumuhod upang maging lebel ang mga mata namin.
"Hindi natin alam ang mga panganib na naghihintay sa atin, anak. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw ay mawala na lamang kayo sa akin ng nanay mo. Hindi puwede iyon. Kaya kailangan ko kayong protektahan. Kailangan kitang protektahan. Walang dapat makakaalam."
Kumunot ang noo ko dahil sa pagkalito. "Ano po ba kasi ang nasa maskara na iyan?"
Ngumiti siya nang maliit at dahan-dahan iyong isinuot sa akin. Hinaplos ni ama ang pisngi ko.
"Ito na lamang ang tandaan mo, Yura. Na ang pagsuot namin ng maskara sa iyo ay isang simbolo ng proteksyon at pagmamahal. Kaya isusuot ko ito sa iyo palagi. Dahil mahal na mahal kita at nais kitang protektahan, anak."
When my father died, everything seemed so hopeless. Tila nawalan ng kulay ang mundo. Tila nawalan ng ingay. Katahimikan ang natira sa akin. Bago ang huling hininga niya ay isinuot niya sa akin ang maskara, tanda ng pagmamahal at paggabay niya sa akin. I lost him and it was so painful, but my mother lessened the pain.
She was my hope. Sabi ko ay siya na lamang ang natitira sa akin kung kaya't kailangan gawin ko ang lahat para protektahan siya.
Naging kawal ako, nagsanay ako para maging malakas at matibay sa kahit ano mang labanan na dadating sa palasyo. Sinama ko sina Lom at Uz at sabay naming napagdaanan ang hirap ng isang pagiging Adorian na pumoprotekta sa kaharian ng Laquer.
Then when I thought I trained myself enough, when I thought my strength and courage were enough, thing started to take a dark turn.
"Ina?! Ina!"
"Andreas! Salamat sa mga bathaluman at ligtas ka, anak!"
"A-ano pong nangyayari? Bakit biglang nagkaganito ang Obtuer? Bakit biglang nagkaganito ang mga Herwa?! Hindi naman sila ganito ka-bayolente!"
"Nararamdaman ko, anak. Nararamdaman ko na may kinalaman ito sa kaharian nating matagal nang naglaho sa mapa ng Adora at sa karagatan. Sa tingin ko ay gusto na tayong kunin pabalik ng Atlanta. Gusto na tayong bawiin nito mula sa Laquer."
When the war started, I was already aware. That somehow, I'm the main reason why all these chaos arrived here. Kahit sumasama ang loob ko ay pikit-mata akong lumaban para sa Laquer. Pikit-mata akong lumaban habang tikom ang mga bibig tungkol sa katotohanan.
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...