Chapter 27

25 1 0
                                    

NAPANGANGA AKO. "P-po? Sa inyo ito? This necklace? Is . . . yours? P-pero, mahal na hari, mawalang-galang na pero sa a-akin po yata ito. Matagal ko nang hinahanap ang ganitong kuwintas, at matagal na ring nawawala. Iyon pala ay nandito lang---"

"That's mine. That necklace is mine. That's not yours. Find your own. Baka nagkaparehas lamang ng disenyo ang mga kuwintas natin." Mabilis na pagpuputol niya sa sasbihin ko.

I swallowed the lump in my throat as I stared at the necklace at my palm. Hindi ako puwedeng magkamali. Ito ang kuwintas na hinahanap ko. Malakas ang pakiramdam ko. But why is he claiming it's his? Just how? Labag man sa kalooban ko ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya at binigay ang kuwintas. I sighed.

He quickly took it from my hand. At walang sali-salitang umalis. It felt as if he just snatched that necklace away from me and left. Ni hindi siya nagpasalamat. Ni walang tango. He didn't waste his saliva, no gestures, he didn't look back anymore. Iniwan niya akong nakatulala.

"Lillian?" Lom asked hesitantly.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. "Ganoon ba talaga ang kaibigan mo, Lom?"

"B-baka sa kaniya naman talaga. Tsaka bakit mapupunta rito ang kuwintas mo? Remember, Lillian. You've been living in the human world for 8 years. It's been 8 years since you reunited with your family up there. Walang bumalik sa inyo. Kaya paanong makakapunta rito ang kuwintas mo? Nahulog?"

"Lom naman!" I groaned. "Malay mo, naiwan ko noon?! Look, it's my necklace, okay? Hindi sa kaniya iyon! I know it! I'm sure of it!"

"How sure are you, then?" Panghahamon niya.

"100 percent! Damn." Parang gusto kong sabunutan ang hari na iyon. "Malakas ang pakiramdam ko. Tsaka iyon na iyon ang kuwintas ko! Matagal nang nawawala at ito ang unang beses na nakita ko iyon. Now, that friend king of yours had to ruin everything!"

Mas lalo akong naasar nang marinig ang mahina niyang pagtawa. He ruffled my hair. "C'mon, princess. Malapit na at paparating na ang hari ng Laquer at ang pamilya mo. Malapit na rin magsimula ang selebrasyon. Gutom ka na, hindi ba?"

"But Lom . . ." I sighed. "My necklace!"

"Ano bang magagawa mo? Aawayin mo ang hari ng Atlanta? Kakausapin at makikipag-agawan ka pa kay Andreas? Can you do that, really? You can just buy a new necklace, Lillian." His left eyebrow raised at me.

"Aba, oo! At no! I won't buy another! Kasi personal design iyon! My family chose that customized design for me! Kaya siguradong-sigurado ako na sa akin ang kuwintas na iyon, dahil wala ng ibang ganoon! And how the hell would our necklaces be the same? That's impossible." Naiiling na sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin sa disenyo?" Naguguluhan na tanong ni Lom.

"The design of my necklace! It's unique, Lom! It's my own design, the pendant of my name! And hell, if may pagbibigyan man ako no'n, importanteng tao sa buhay ko!" Nakakainis na talaga.

Natahimik siya ngunit nanatiling nakatitig sa akin. Then, he smiled. A meaningful one. "Go, then, princess. Kulitin mo ang hari na iyon. Kulitin mo si Andreas na ibalik sa iyo ang kuwintas mo. Awayin mo siya."

"Talagang gagawin ko iyon!" Matapang na sigaw ko.

He laughed. "Halika. Sasamahan kita sa kaniya. Mailap iyon kaya mahirap hanapin. But I'll know."

"Halika na! Hindi ako makakapayag na hindi ko suot-suot ang kuwintas ko! Let's go, Lom! Nakakainis na ang haring iyon!" Mabibigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad paalis. At nasa likuran ko lamang si Lom.

"Tulad lamang ng dati." He mumbled.

"Anong tulad ng dati? Stop blabbering nonsense things there! Halika!"

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon