"MARAMING salamat, Lom. Sa pagsasanay sa akin at paggamot na rin ng mga sugat ko. At least, kuya Samuel will take this easier than he did before. Maiintindihan niya naman na kaya ako may mga sugat ay dahil parte ito ng pagsasanay. Right?" I smiled as I wiped off bullets of sweats from my forehead and neck.
Ngumiti rin siya pabalik. Ngunit bahagya iyong nawala. "Siguro. Kung totoong natamo mo iyan sa pagsasanay at kung totoong aksidente lamang. Galit ka ba kay Andreas?"
Napaisip ako. Galit ba ako sa epal na iyon? "Baka. Medyo. But you know, as long as he's loyal to Adora and as long as he's going to save anyone who needs help from him, I will not loathe him, Lom. Pakiramdam ko kung nasa panganib ako, tutulungan pa rin ako ng epal na iyon."
"Right." He said. "Ah, aalis na ba tayo? Babalik ka na ba kay prinsipe Samuel? O mananatili ka na muna rito?"
"Dito muna ako." Sagot ko. "Pupunasan ko pa kasi itong kamay ko. May dugo pa. Baka mas lalo lang mag-panic si kuya Sam. Baka hindi lang siya kay Andreas magalit, baka madamay ka."
Napailing-iling na lang ito. He sat beside me as he took his sword and burnished it with the hem of his cloth. Habang ako naman ay kinuha ang libro na ibinigay sa akin ng matanda at binuksan iyon. Kumunot ang noo ko nang makita na may dalawang naunang pahina na punit at wala na.
"Iyan pala ang itatanong ko. Ano iyan?" Nginuso ni Lom ang libro. "Saan mo nakuha? Sa iyo ba iyan?"
I shrugged my shoulders. "This is not mine. Actually, it was given by an old woman. Hindi ko siya kilala pero feeling ko, mala-shaman si lola eh. Or seer. Or whatever. Bago kasi siya umalis, nahulaan niya na paparating ka. Lahat ng sinabi niya sa akin tumugma."
"Matandang babae? Ano bang sabi niya? Ano ang nahulaan niya?" He asked curiously.
"Well," Muli akong kumibit-balikat. "Sabi niya kailangan niya na raw umalis dahil may paparating. Nag-aalala raw at ako ang sadya. She said you were even nervous. Baka kinakabahan ka dahil kay kuya Sam."
I laughed. But he just looked at me.
"Baka nga . . ." Iyon na lamang ang narinig ko sa kaniya.
Muli kong itinuon ang atensyon sa libro. It was dusty and looked like it survived many centuries. Matandang libro, kung ganoon ang tatawagin dito. Pero kapag binuksan mo ang mga pahina ay hindi pa nabubura ang mga nakalagay rito. Kahit ang mga nakaguhit. And the letters were written in Adorian, which fortunately, I know how to read.
"Weird." I muttered to myself.
First page is a drawn image of a mirror. Hindi ito ang babasaging salamin kundi tila gawa sa tubig. You know? Like a water mirror. Wala namang nakasulat na iba.
I flipped the page.
Second is again, a drawn image of what seemed to be golden plaques. Three golden plaques. Pamilyar sa akin ang isa dahil ito ang disenyo ng marka namin sa katawan. It is the Laquer's golden plaque. The other two might have belonged to Obtuer and Atlanta.
"Oh, golden plaques." Saad ni Lom nang mapatingin siya sa libro. "Iyan ang sa kaharian natin." My guess was right. "Ito ang sa Obtuer . . . may ikatlo pa palang plaque?"
"Baka sa Atlanta iyang isa." I said.
"Atlanta? Ibig mo bang sabihin ay ang dating tirahan ng mga Atlanteans?"
Tumango na lamang ako dahil wala akong oras para ikuwento lahat kay Lom ang sinabi sa akin noon ni uncle Aquen. I continued reading the book and below the drawn images of the golden plaques, was the text about it.
Ang Rueni o golden plaque ng Atlanta, Laquer, at Obtuer ay itinuturing na mga puso ng mga kaharian na ito. Kung kaya't ang nangangalaga ng mga rueni ay ang namumuno sa mga kaharian, at ito ang pinaka-importante at pinaka pinapahalagahang bagay sa buong Adora.

BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...