AGAD kong naidilat ang mga mata at bumangon---para lang nalaman na nakatulog pala ako. Pero sandali, nakatulog? Linibot ko ng tingin ang buong paligid at doon ay nakita kong ito iyong kuweba na pinuntahan ko. I was overwhelmed by everything that happened, that I ran inside this cave.
Pero bakit nandito pa rin ako?
Hindi ba't nahanap niya ako?
Ng hari ng Atlanta?
Was that all a dream?
No, fuck! Hindi nga? Panaginip lang talaga iyon lahat?!
Parang may kung anong sumipa sa puso ko nang mapagtanto iyon. Halata namang panaginip lang iyon, dahil oo nga naman, imposibleng maging ganoon ang hari sa akin. At imposible ring nagkaroon ako ng amnesia. Yes, I forgot some of my memories here, but just because I was injured and I almost died.
At wala roon si Andreas.
He's not part of anything.
He's the king of Atlanta.
"Bakit ka nandito?"
Muntikan pa akong madapa nang sa paglabas ko ng kuweba ay bumungad sa akin ang hari na mukhang papasok naman. Kunot na kunot ang noo niya at halata roon ang pagtataka at kaguluhan. He looks mad as hell too!
"A-ah eh . . ."
"Bakit ka nandito?" Pag-uulit niya sa tanong. Pero ngayon ay mas madiin.
"P-pasensya na. Ito kasi iyong lugar na nahanap ko. Nakatulog . . . pati yata ako. Patawad, mahal na hari. Hindi ko alam na sa inyo itong kuweba na ito. Hindi ko po alam na silid ninyo ito. Hindi na mauulit." Napayuko ako at napabuntong-hininga.
Nawala na tuloy ang tapang ko dahil sa napanaginipan ko kanina. Why him of all people, though? It's too vivid. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkakayakap niya sa akin. At iyon din ang dahilan kung bakit naninikip ang dibdib ko ngayon.
Dahil aminin ko man o hindi,
Sa panaginip na iyon,
Malapit ko na sana siyang yakapin pabalik.
"Please leave. Hinahanap ka na ng pamilya mo." Malamig at pormal na utos niya.
Mahina akong tumango. "Opo."
Aalis na sana ako at lalagpasan siya nang bigla itong magsalita. Literal na nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil itong-ito ang boses niya sa panaginip ko. At sa lahat pa, ito pa ang sasabihin niya sa akin.
"Are you here to steal the necklace?"
I rubbed both of my arms, because I am having goosebumps. Pero alam ko namang imposible na mangyari iyong nasa panaginip ko. Our conversation won't lead there. Nagtanong lang siya tungkol sa kuwintas, at hanggang doon na lang iyon.
Kaya umiling ako. "Hindi. Hindi ako pumunta rito para sa kuwintas. Ni hindi ko alam na sa iyo pala ang kuweba na ito. Sorry. This is the only place I found. Gusto kong magtago."
Nanatili siya sa harapan ko. And I can only see his chiseled chest. Alam kong nakatitig lang siya sa akin dahil ramdam na ramdam ko iyon.
"Bakit ka tumakbo palayo? Why did you leave?"
Napalunok ako sa kaba.
Pero totoong nangyari talaga na ako iyong napili niya kanina? What the fuck. Akala ko pati iyon ay panaginip. ARGGGHHH.
"Na . . . na-overwhelmed po yata ako kanina. K-kasi ano, pinagtitinginan ako." Mas lalo akong napayuko at mariin na napapikit. "Pasensya na pala kung nasira ko iyong presentation. I just helped Jovi. I wanted to help her. Gustong-gusto niyang makasabay pero hindi niya kaya. That's why . . . I danced for her. I became her representative."
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...