Chapter 25

29 1 0
                                    

"Rai lum obtuel."

It's been 8 years. 8 long years. Pero hanggang ngayon ay napapaniginipan pa rin kita.

DAHAN-DAHAN kong idinilat ang mga mata. At walang pinagbago. Puting kisame pa rin ang bubungad sa akin, at kada paggising na lang ay bahagya na namang nakakunot ang noo ko dahil naguguluhan na naman ako. Before, dreams weren't a big deal to me. Because I'll just forget them in the end.

Pero ngayon. Simula nang makabalik kami rito sa mundo ng mga tao, ay nagsimula na akong managinip at hindi ko na makalimutan.

It's been 8 years and until now, I'm bothered. I'm bothered by the fact that someone is saying 'I love you' to me in my dreams.

Umiling ako at hinilamos ang mukha. "Tigil na, Lillian. Gutom lang iyan. Hindi ka kasi nag-dinner kahapon."

Bumangon na ako at kumamot-kamot aa buhok kong tila sapot kada gigising ako. Agad kong kinapa ang suklay na katabi ko lang at nag-ayos na. I made my bed and took my phone. As usual, I would check my emails, messages, and social media accounts.

Pati Netflix. Tinitingnan ko kung mayroon na bang bagong labas na pelikula, o di kaya ay ang bagong episodes ng K-drama na pinapanood ko.

As if on cue, my door swung open, revealing my brother, Sage. He's smirking. "Gising na diyan, ate. Maligo ka na. Mag-ayos ka na. Baka nakakalimutan mo. Graduation ko na ngayon. I would hate it if you're not there."

"OA ka." Akmang ibabato ko sa kaniya ang unan ko. "May pa-hate hate ka pa diyang nalalaman. Oo na! Maliligo na! Ang gisingin mo si kuya Baste! Siya kaya ang mahirap gisingin!"

He just chuckled and closed my door.

Sage will be graduating now in college. Summa Cum Laude. I'm really so proud of him. Lahat ng pagpupuyat at pagiging pikon niya sa amin ay nagbunga na. Tandang-tanda ko pa noong halos hindi na kami magkanda-ugaga para lang makatulong sa thesis niya.

Hinding-hindi ko palalagpasin ang araw na ito, siyempre.

I took my towel and quickly took a warm shower. I wore my best dress, let my natural curly hair, and of course, my light make-up. Beautiful. Nang makuntento sa itsura ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Naroon silang lahat sa sala, nagkakagulo dahil sa pag-aayos.

"Nakaka-stress kayong tingnan, guys." I commented and sat at the sofa. "Samuel, akin na iyan. I'll fix your bowtie."

"Bowtie your face, Lillian. It's a necktie!" He retorted. Pero hinayaan pa rin akong ayusin iyon.

"Paano na yan, kuya. Dapat matuto ka na nito. Kung hindi, maghanap ka na ng asawa. You're 30 for pete's sake. Pero kahit girlfriend, wala ka pa rin." Naiiling kong sabi habang inaayos ang necktie niya.

"C'mon. The age doesn't matter. The face does. I still look so much 20 years old. Nagkakamali pa rin silang lahat sa edad ko." Mayabang niyang saad.

I rolled my eyes. Inayos ko ang kuwelyo niya. "Biglang humangin, kuya. Tama ka na. Baka biglang bumagyo sa loob ng bahay natin dahil diyan sa kayabangan mo."

Tumawa lamang siya.

But truth to be told, we still really look like in our early 20's. We look too young for our age. I'm now 26, and working as an anthropologist, just like nanay. Marami na akong napuntahang lugar. Dapat nga ay madalas akong wala sa bahay pero hindi muna ako nagtatrabaho ngayon. I've been on land for too long, there is something in me that wants to enjoy the sea.

Marunong akong lumangoy. Kaya iniisip kong sumama kay kuya Leon at tatay sa trabaho nila. I want to experience recreational diving as well.

"Nanay, you look beautiful as always." I complimented my mother who looked so much younger than her age rin. Kaya madalas nang nagrereklamo si tita Olive eh. Ano ba raw ang sikreto ni nanay.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon