STELLA
"ANAK! Baste, you're awake! Oh my god, thank God! Gising ka na! Sage, Sage, si kuya Baste mo! Gising na siya!" I was so happy, such in relief, almost crying in joy. Sobrang higpit ng yakap ko kay Sebastian at nang dumating ang bunso ko ay magkakayakap na kami ngayon. I kissed their heads. "Maraming, maraming salamat. Maraming salamat. Salamat at nagising ka na."
"N-nanay, ano pong nangyari? Why are you crying?" Baste sounded so confuse that I just chuckled while crying.
I caressed his cheek and kissed his forehead. "Shh. Rest for now. Ipapaliwanag ko sa iyo lahat ng mga nangyari. Sage, can you bring your kuya a glass of water?"
"Yes po, nanay." Sumunod ang bunso ko at lumabas na ng kuwarto.
I was so happy. Alam kong nagtagumpay sina Zen sa misyon nila sa Adora. Sobrang saya ko na sa wakas ay makakabalik na sila ng mga anak namin. That I will be able to see my Leon, Sam, Batas, and Lily. Makokompleto ulit kami. Ngayong ligtas na ang parehas naming mundo, magkakasama na kami ulit.
Hindi na namin kailangan mangulila.
"Nasaan po sina tatay? Sina Lily?" Baste asked after drinking his water.
Huminga ako nang malalim. "Nasa Adora sila ngayon."
"Po?!" His eyes widened. "Shet, nanay. Totoo?! Bakit hindi nila tayo sinama?! Gusto ko pa naman makapunta sa Adora . . . sandali . . . hindi ba't sira po ang Adora ngayon? Bakit sila . . . bakit sila nandoon?"
I sighed and explained to him everything. Hindi pa makapaniwala ang anak ko ngunit tinanggap niya rin kalaunan. Like us, he was also happy and excited. Ngayong nagising na siya ay sigurado na kaming uuwi na rin ang ama at mga kapatid niya.
Not until it wasn't them who arrived.
Gabi na, alas-dyis. I tucked my sons into their beds and now they are sleeping peacefully. Nakangiti ako hanggang ngayon. Masaya ako na bukas ay hindi na lang si Sage ang gigising kundi si Baste na rin. Tatlo na kaming maghihintay sa labas para kina Zen.
Naalerto ako nang biglang makarinig ng katok.
I took the bat that I always had since Zen left. Iyon ang pangpalo ko sa sinumang susubok na saktan kami ng mga anak ko. While gripping the bat tightly, I was already cautiously walking towards the door. Madilim ang sala, walang ilaw, at wala rin akong tsinelas.
Kaya imposible na malaman ng taong nasa labas na malapit na ako sa pintuan at nag-aabang.
"Stella?"
My lips parted and quickly let go of the bat. Bumagsak iyon sa sahig at nakagawa nang malakas na ingay. Ito na ang matagal ko nang hinihintay. Ito na ang matagal na naming hinihintay! They are back!
It was my husband's voice.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at hindi na ako nagulat nang maunahan niya pa ako. He quickly welcomed and wrapped me in a tight and warm embrace. Mahigpit ko rin siyang yinakap at sumiksik sa dibdib niya. This is the only time I realized how much I longed for him, how much I miss them.
"Trona . . ." He whispered softly and I felt his soft kiss against my hair. "Nandito na ako."
Napangiti ako ngunit agad na naramdaman ang luha na nag-uunahan na sa pagtulo. I chuckled and wiped off my tears. Lumayo muna ako para makita ang mukha niya.
"Bumalik na nga kayo," I caressed his cheek and my forehead slightly creased. "Hey, hey, Zen. Nakauwi ka na. Nakauwi na kayo. You're crying too hard, love. Grabe ah. Kaya mo palang umiyak nang ganiyan. Hoy, seryoso! Tama na, uy."

BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...