Chapter 10

29 2 0
                                    

"ANDREAS, nandiyan ka ba?" Kinapa-kapa ko ang tabi ko ngunit wala akong mahawakan. I'm trembling inside because of fear. It's cold, silent, and I couldn't even move because I don't even know what I'm sitting on and where I am. "Andreas? Epal, nasaan ka? Please, sumagot ka. N-natatakot ako. Can you just please tell me I'm not alone---"

"Lillian . . ." His deep voice uttered softly.

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. "Andreas---thank God. Are you okay? Nasaan tayo? Nakain ba tayo ng isang halimaw? Nasa loob ba tayo ng tiyan niya? What? Why is it so dark? I can't see you."

"Calm down. Pupuntahan kita." He answered and I waited.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may naramdaman akong humawak sa braso ko. I know it's Andreas by his warmth. Hindi ko alam pero pamilyar na ako sa hawak niya. I'll know when it's him who's holding me.

"Hay. Salamat." Bulong ko sa sarili at agad na lumapit sa kaniya kahit wala akong nakikita.

"What the . . ." I heard him mumbled as I snuggled close to him. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Adorian? Bakit ka sumisiksik sa akin? Lumayo ka nga. Baka hindi ako makahinga nang maayos."

"Epal ka. Eh sa natatakot nga ako!" Madiin kong sabi sa kaniya. "Tsaka ayokong umupo sa kung ano mang inuupuan natin. Malay mo, dila pala iyan ng halimaw na lumamon sa atin! Shit talaga. Ang dilim."

"You're sitting on my lap, princess. Just so you know."

"Ano na naman? Wala ka namang gagawin. Duh. Basta! Dito ka lang."

I heard him sigh. Ako iyong matapang na nakikipagsagutan sa kaniya pero umurong lahat ng tapang ko nang maramdaman ang braso nito sa hita ko. His warm palm held my thigh as he cradled me inside his arms. Nakaupo nga ako sa hita niya at dahil malaki siyang Adorian, ay nakasandal ako sa dibdib niya.

"Your heart . . . it's beating so fast." Mahinang bulong ko.

"Adrenaline." Maikling sagot niya.

We're so close right now. At nagpasalamat na lang ako na madilim ngayon. Mas maayos pala ngayon. Kasi baka mas lalong umurong ang yabang ko kapag nakita ko ang mga mata niya at ang histura namin ngayon.

I became comfortable. The silence wasn't defeaning because I had his heart beating as my sound. Ang malalim at kalmado niyang pag-hinga. At ang init nito na nararamdaman kong tumatama sa may parteng noo ko. I could almost feel his lip on my forehead.

"Are you okay? Did you get your energy back?" Maya-maya'y pagtatanong niya. His voice echoed throughout the darkness.

"Hmm." I hummed. "Maayos na ako. It led me to think that maybe we're out for almost an hour. Kakagising mo lang din ba? Nawalan yata ako ng malay."

Hindi ko agad narinig ang sagot niya. I thought he won't speak but he did nonetheless.

"Mula palang nang mahulog tayo rito ay gising na ako. Hindi ako nawalan ng malay. I have my sword here. So while you're out, I tried everything to make our way out. Pero tama nga ang kuwento ng mga matatanda. Wala ngang nakakatakas sa halamang ito. Hindi ito bubuka hangga't humihinga tayo."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabangon.

"Aray!" At nauntog ko ang ba-ba niya.

"Hala, sorry!" I panicked and tried to touch his face but instead, I moved and accidentally removed something that I should not have. Napamura ako, "Shit. Sorry, Andreas. Hindi ko sinasadya. Isuot mo agad, dali! Baka biglang lumiwanag tapos makita ko pa ang mukha mo!"

Natataranta ako. Natataranta ako kasi baka magalit na naman siya sa akin dahil nagalaw ko ang maskara niya.

I became more nervous as hell when I can't even hear him speak. Hindi siya nagsasalita! Galit nga! Halos makagat ko na ang ibabang labi habang tahimik ding hinihintay ang sasabihin niya. I can't even see his reaction!

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon