HINDI ko alam kung bakit ginawa ko ang lahat para manatiling gising ang diwa ko. Even though I knew I'm already bleeding, and he's silently panicking. I was clinging onto his chest, and he's holding me tightly. Hindi na siya tumakbo pero ramdam kong nagmamadali siya.
But I was definitely concussed. Kaya maliban sa paningin ko ay pati pandinig ko, unti-unting naglalaho. I can only see blurry images, his face repeatedly taking a glance at me, his mouth moving, he's speaking words that I can't hear anymore.
Except for my name.
"Lillian . . ."
That's when I lost my consciousness. Kahit alam kong nakiusap siyang huwag.
KOZAN
NGUMITI ako at ginulo ang buhok ni Calista. Hindi na nakakagulat na magaling na siyang humawak ng sandata. Mula pa naman noon ay naging strikto na si Dorcas at talagang sinanay ang mga anak niya. Lalo na si Piero na sunod sa trono.
"Maraming salamat po, guolno sa pagtuturo ninyo sa akin." Magalang niyang sambit at ngumiti.
I nodded. "Walang anuman. Magaling ka naman talaga. Mabilis matuto. Magpahinga ka na muna tuloy, baka nagugutom ka na."
Minsan, nakakaramdam ako ng inggit kina Dorcas at Lauzen. They have great children. Nagkaroon sila ng pamilya. Ngunit ako ay wala. Kahit ako ang unang nagkaroon ng pangarap na ganoon, ako tuloy iyong wala. Minsan natatawa ako kay Luazen dahil siya ay may pinaka-ayaw nito pero siya ang ikinasal, siya ang nagkaroon ng anim na anak.
We both experience love, but Dorcas and he are the only ones who experienced to be loved.
Bahagya kong iniling ang ulo, pilit na inalis ang isipin na iyon. Mas mabuti ng ganito. Marami naman kaming pamangkin ni Aquen. After all, I treat them as my children as well. Malapit sa amin ang mga bata.
"Calista?" Tinawag ko ito. I saw her back, and she's not moving. "Calista? Maayos ka lamang? May nakalimutan ka ba? May masakit---CALISTA!"
Wala sa oras na napatakbo ako papunta rito nang makita kong bigla na lamang siyang bumagsak sa lupa. I barely caught her but when I did, I saw her eyes closed. Nakikita kong humihinga pa siya kaya ang una kong naisip ay nawalan siya ng malay dahil sa pagod.
I carried her. Idinala ko siya sa nag-iisang klinika na naisalba namin. Naroon si Arve at Brena, at inaasikaso nila ang ibang sugatan na kawal.
"Arve, maaari bang sumama ka muna sa amin? Ikaw muna ang magiging taga-gamot namin." Pakiusap ko rito.
Mabilis namang sumunod si Arve. "Ano pong nangyari kay prinsesa Calista?" Tanong niya nang makitang dala-dala ko ang walang malay kong pamangkin.
"Baka nahimatay siya dahil sa pagsasanay. Kaya kailangan ko ng tulong mo."
Akala ko ay hanggang doon lamang iyon. Ngunit pagpasok namin sa silid ay bumungad sa amin ang umiiyak na si Vana. She's panicking, she's scared, and she doesn't know what to do. Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napatingin kay Calista na nasa braso ko ngayon. She's not the only one. What is happening? Why did they all lose consciousness?
"Calista?! Si Calista rin?!" Umiiyak na sigaw ni Vana at linapitan ang anak. "Calista, anak! Kozan, anong gagawin natin?! Anong nangyayari?!"
"Huminahon ka, Vana. Si Aquen, nasaan?" Maingat ko nang ibinaba si Calista, katabi ni Dorcas na wala na ring malay ngayon. "Bigla na lamang itong nangyari. Bigla na lamang silang nawalan ng malay, hindi ba? Dorcas, si Calista, si Amila. Bakit sila---"
Agad akong natigilan dahil dire-direstong nagbukas ang pintuan. At hindi na ako makagalaw pa nang nagmamadaling ipinasok ng mga kawal sina Aquen at Luazen. No. Why is this happening? Anong nangyayari sa amin? They are all asleep, they all lost their consciousness.

BINABASA MO ANG
Adora
RomansaSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...