DAPAT sana ay aalis na kami pero hindi iyon natuloy dahil sa pagpayag ko sa panliligaw ni Andreas. I still can't believe it. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Pagkatapos ng salo-salo ay dapat babalik na kami sa Laquer. But Andreas requested if I can stay longer.
"Ha?" Kuya Leon's eyebrow raised. "Hindi puwed---" Ngunit natigilan ito dahil pinalo ni nanay ang braso niya.
"Take care of our princess, alright? Ipinagkakatiwala ko siya sa iyo, Andreas. We already talked and we understand now. I know that she can take care of herself, but I also know you will protect her nonetheless." Hinalikan ni tatay ang sintido ko.
"Susunduin ka na lang namin mamaya, ha?" Nanay smiled.
"Ako na lamang po ang maghahatid sa kaniya." Tumungo si Andreas. "Huwag po kayong mag-alala."
They all left while kuya Leon is still blabbering and kept looking back at me. Nagpapasaway na naman at ayaw umalis. Gusto niya raw akong samahan. I chuckled. Nahahawaan niya na si kuya Sam, pero si kuya, mas kalmado. Nginitian pa ako bago umalis.
"Let's go?"
Napabaling ako sa kaniya. Nakalahad ang kamay nito.
"Where to?" Nakangiting tanong ko.
"Mamamasyal tayo."
Excitement filled my system. Hinawakan ko ang kamay niya at nang hawakan niya ang akin pabalik ay agad na kumalat ang init sa palad ko. He was staring at our hands as he slowly intertwined our hands. And with a short glance, and a smile, we walked away together.
Pinagbubulungan kami ng mga nadadaanan naming Adorian. Some are even gasping. Nakakagulat daw talaga na pagkatapos ng mahabang panahon ay kasama na ngayon ang hari.
"This is where those jellyfishes live. This is their cave." Mahinang bulong niya sa akin at pumasok kami sa isang maliit na kuweba.
At nang makapasok ay totoo nga ang sinabi niya. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha dahil aakalain mo sa labas na sobrang dilim ng kuweba. Pero sa loob, tila nagkalat ang mga kulay ng bahaghari. There are so many colorful jellyfishes floating around and when I arrived, they all went to me.
"Dinudumog na ako!" Natatawa kong sigaw. Napabitaw ako sa kamay niya. "Hala! Mahal na hari!"
"Andreas. Tatawagin mo akong Andreas." He softly spoke as I felt his hand on my waist. Siya ang nagpagilid sa ibang dikya na tumatakip sa akin. "You won't call me 'king' again, alright? Call me by my name, Lily."
Napatingala ako rito.
And he looked back as his lips lifted up for a small smile. At hindi ko inaasahan ang paglapit niya sa akin. He leaned forward and planted a soft kiss on my forehead.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. No matter how new these all are to me, they feel right. Gustong-gusto ko ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal rito sa Adora pero may nakasanayan na ako. I now have a routine.
Magkakasama kaming pamilya na kakain ng almusal at pagkatapos ay may mag-aanunsyo na lang na kawal na dumating na si Andreas. Susunduin niya ako mula sa Laquer at mamamasyal kami. We do things together and enjoy each other's company. Whenever I am with him, I feel safe and comfortable.
Marami na kaming napuntahan na mga lugar. Ipinasyal niya rin ako sa buong Adora. And he introduced me to his subjects. Sa tanghalian ay magkasabay kaming kumakain. Siya ang nagluluto ng pagkain namin.
"Sabi nila, sa Adora, hindi raw linuluto ang mga pagkain?" I asked while muching on my food. "Mabuti na lang at linuluto ang mga pagkain dito sa Atlanta."
BINABASA MO ANG
Adora
RomansSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...