Chapter 8

34 2 0
                                    

HE gave me decent clothes even if it was a little too big. Noong una ay nagtaka ako kung paanong nagkaroon siya ng damit na tila malapit sa pang-babaeng damit pero naalala ko ang ina niya. These must be hers and I am wearing it. Siguro kahit ayaw ni Andreas na ipasuot ito sa akin ay wala siyang mapagpipilian dahil hindi naman puwedeng nakahubad ako sa loob.

"Salamat," Matipid kong sabi habang sinusuklay ang basang buhok gamit ang daliri. "Anong gagawin na natin? Where will we go? Saan natin sila hahanapin?"

"Nag-iisip pa ako. But for now, we can't go out. Sabi ko na." Kumunot ang noo ko nang makitang tinatanggal niya ang mga damit. I quickly looked away. "Nakakapagtaka na, na inatake tayo ng isang sirena. Matagal na pala silang nagmamatyag. They're planning to bombard us."

"K-kaya ba may sugat ka riyan sa braso mo? Sa kanila mo ba iyan nakuha?" I asked. May nakita akong sariwang sugat sa braso niya. "Wala pa iyan noong huli kitang nakita."

"Oo." That was his short reply.

In my peripheral vision, I saw how he's taking off his clothes. He's now half-naked, I know. Nang makita kong nakatalikod siya sa akin ay doon ako bumaling sa kaniya. Malaya kong nakita ang likod niya. And maybe because he's a warrior, because he never let his hair down. Nakatali ito. Like a man bun.

At oo, pinapanood ko siyang magpunas ng braso niya para ipakita na hindi ako naaapektuhan sa hubad niyang katawan.

He's cleaning his wounds as well. I watched his back muscles flexed as I saw different scars on it. He must be really hard on himself. Marami siyang peklat, kaya marami rin siyang natamong sugat. Now I can only imagine his endurance and stamina.

I heard him grunt. "Fucking siren."

"Nahihirapan ka ba? Let me help." I rose up from my seat and walked towards him. Ginawa ko ang lahat para hindi mapalingon sa katawan niya. He even has abs. I mean it's okay but why am I distracted? "Kailangan itong tahiin, Andreas. It's an open wound."

"Iyan na ang ginagawa ko."

"Then you should have called me. Hindi mo ito matatahi mag-isa."

Kukunin ko na sana ang sinulid mula sa kamay niya pero inilayo niya. Nakita ko ang nakakunot niyang noo. "Huwag na. Bumalik ka na lamang sa upuan mo at maghintay doon. Wag mo akong pansinin. Kaya kong gamutin ang mga sugat ko."

I sighed. "Wag ka na maging epal, Andreas. Akin na iyan at ako ang magtatahi ng sugat mo. Look at you. You're in pain."

"This is nothing."

"Maybe nothing. Pero ayokong maubusan ka ng dugo dahil hindi mo natahi nang maayos ang sugat mo. Just let me, this once, okay? Give me that thread and needle."

Lalong nagsalubong lang ang mga kilay niya pero wala na itong nagawa nang kunin ko na ang sinulid. Hindi na rin siya nakapagsalita nang hilahin ko siya papunta sa isang upuan. Again, I tried not to pay attention to his naked upper body. Kahit mukhang batak na batak.

"I guess this will just sting a little." I uttered as I gently stitched his wound. Light blue liquid came running through his arm as he bled. Sa buong oras na itinatahi ko ang sugat niya ay wala lamang siyang sinabi o reaksyon. Baka mas may masakit pa siyang naranasan kaysa rito.

"Now, all set. Linisin mo na lang iyang mga dugo." Hindi niya na ako liningon at tumayo na. I wiped off my hand as well.

Wala na namang kahit isang salamat si Andreas. Galit pa yata talaga siya sa akin.

"Salamat," His deep voice suddenly spoke. At bumaling ako sa kaniya. Wow. First time. "Siguro ay kailangan na muna nating magpalipas ng gabi rito. Kahit magaling akong mandirigma ay hindi ko kakayanin ang dami nila."

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon