Chapter 29

42 2 0
                                    

HINDI ako makagalaw. I just knew that after the kiss, he wrapped his arms around me, and now he's resting his head against my chest. Nakaupo pa rin ako sa may bato, habang nakayakap na siya sa akin ngayon. I can still feel his soft lips, and how it gently moved. Ilang segundo siyang lumayo ngunit hindi inaasahan na hahalikan niya ako ulit.

And the next time he pulled away, he straightly hugged me.

I sighed and caressed his hair. Hindi ako makapagsalita. If he kissed me, then it means he likes me, right? Ang tanong, gusto ko rin ba siya? Hindi ba masyadong mabilis, Lillian? At hindi ka ba magagalit na humalik siya sa iyo nang walang paalam?

You're even allowing him to hug you.

Naibaba ko ang kamay mula sa buhok niya nang binitawan niya na ako. He held my waist and he easily carried me like a bride. Tila ang gaan-gaan ko lang. Pero malaki akong babae.

"Saan na tayo pupunta?" I whispered. Bahagya akong nakasandal sa dibdib niya.

"Paniguradong hinahanap ka na nila." Matipid niyang sagot at lumabas na kami sa kuweba. He's still carrying me and won't let me walk.

Gusto kong tanungin kung bakit niya ako biglang hinalikan. Anong rason? Does he really likes me? Sa maikling panahon ba na nakilala niya ako ay nagustuhan niya na ako? Or did he just kiss me because he felt like doing so? Is my lips that inviting that he can't restrain himself?

"Hindi ka nagpaalam." I said.

"Ano ang hindi ko ipinagpaalam?"

"The kiss." I uttered softly. "You just kissed me. Hindi ka nagpaalam na hahalikan mo ako. You stole it recklessly."

Hindi ko narinig ang sagot niya. Kaya tiningala ko siya. He's just serious and looking straight. Kaya napanguso ako at napabuntong-hininga.

Is it not a big deal to him? I felt a little sting upon thinking about that. Baka nga hindi. Baka marami na siyang nahalikan. Hindi niya nga lang pinakasalan. "Tsaka bawal ang kiss hangga't hindi pa mag-asawa, hindi ba? Ganoon sa Adora. Kiss on the lips is just for married couples. And you just kissed me. Without my consent. We're not even together, king Andreas."

Pumasok na kami sa madilim na daanan palabas sa kuweba. Pero dahil wala na ang mga makukulay na dikya ay wala na rin akong liwanag, wala akong makita. It is just pitch black and only I can feel his presence and warmth.

He suddenly stopped talking. Hinihintay kong ibaba niya ako dahil akala ko iyon ang rason kung bakit siya tumigil.

"Then I'll marry you." My eyes widened when I heard that. "Papakasalan kita at paumanhin kung hindi ako nakapagpaalam bago kita halikan."

I'm loss for words. But when he asked, "Can I kiss you again?"

"H-huh?"

"Can I kiss you?"

"Isa lang, h-ha?"

"Isa lang." He whispered and I felt his lips that fast. Nagulat ako dahil pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita ay naramdaman ko agad ang labi niya. It only meant that he was close to me from the very start. He was very close. At kahit sinabi niyang isa lang, ay napakahaba naman nito.

Our kiss was longer than earlier that I was even catching for air when he let go.

Within the darkness, I felt his forehead leaning against mine, followed by a small kiss on the tip of my nose. "We'll follow your culture. It's okay to kiss someone on the lips even when you're not married, right? In your world, it's alright. So we'll follow that . . ."

After that, he kissed my forehead. "Ihahatid na kita. Hinahanap ka na nila. Matagal kang nawala."

Tumango lang ako at hindi ko alam kung alam niyang tumango ako. All I know is we went out of that cave with him still carrying me like a bride. At pinagtinginan kami agad ng mga Adorian pagkalabas na pagkalabas namin agad.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon