Prelude

73 4 0
                                    

10 years ago

MALAKAS akong humalakhak nang magsitilian ang mga anak ko kasabay ng isang malakas na kulog at kidlat. I can only hug the two of them while Luazen hugs the other four. Nagkuwekuwentuhan lang kami rito nang biglang mawalan ng koryente. Welp. What can I say? May bagyo kaya.

"Paparating na ang bagyong Samuel! Inaasahan po ang malakas na hangin dahil sa kayabangan niya! Inaasahan din po na lahat ng mga kababaihan ay tatakbo dahil nakamamatay raw po ang itsura ng bagyong ito!"

"Lillian," I called my only daughter with a threatening tone when she's starting to bully her brother again. "Inaaway mo na naman si kuya Sam mo."

"Idiot. Paanong nagkaroon ng mukha ang bagyo?" Napailing ako nang pumatol na si Samuel. "Paparating na po ang bagyong Lillian! We advise you to go to the evacuation centers at tumakbo na bago pa kayo matamaan ng bagyong ito! Ang pangit kasing kasama!"

"Nanay oh! Ang pangit mo ring kasama! Anong akala mo?! Ako lang?!"

"Oo! Hindi ba obvious?"

Sumasakit ang ulo ko. Akala ko ay nang mawalan ng koryente ay matatahimik na kami pero hindi pa rin pala. Sometimes, I don't understand our kids. Nag-aaway tapos magsusumbong. Sinimulan iyong away tapos magsusumbong. Akala ko ay si Leon na ang pinaka-pasaway pero hahamunin din pala ako ng unica hija namin ni Luazen.

"Settle down, settle down. Pinapasakit niyo na naman ulo ng nanay ninyo." Zen interfered. Umupo siya sa sahig habang buhat-buhat si Sage. "Hindi ko kayo isasama bukas, sige. Hindi ko isasama ang mga pasaway."

"Hindi ako pasaway, 'tay. Si Lillian lang." Samuel rolled his eyes and crossed his arms over his chest. Umupo rin ito sa sahig, sa harap ng ama.

"Hoy, Samuel! Ikaw ang pasaway!"

"Lillian Laquer."

As I have expected, my daughter became quiet. Iba kapag tinawag ko na siyang 'Lillian', it's the first warning. Iba rin kapag 'Lillian Valencia' na, the second warning. At ang pinakahuling babala ay kapag tinawag ko na siya sa kompleto at totoong pangalan niya.

"Sorry, 'nay." She pouted and walked towards me. Tumabi ito sa may kaliwang espasyo ko. Ang nasa kanan kasi ay ang kuya niya na si Leon, tulog habang nakasandal sa balikat ko. "Sorry, nanay. Hindi na po ako magpapasaway."

I smiled and kissed her hair. "Then say sorry to your kuya Samuel as well. Sam, ikaw rin. Say sorry to each other. Ayoko nang nag-aaway kayo, ha?"

Tumayo na si Lillian at lumapit sa tahimik niyang kapatid. Kapwa kami natatawa ng asawa ko dahil sa tuwing magbabati ang dalawa sa kanila, lalo na sina Samuel at Lillian, ay tila na sa MMK kami. Napaka-drama!

"Sorry na, kuya Sam." Lillian pouted more as if making her face cute in front of her brother. Ito na. Magsisimula na ang drama. "Sorry na, kuya Samuel. Sorry kung palagi kitang inaaway kahit palagi mo akong tinutulungan sa assignments ko. Sorry na. Forgive me, dalhe? Ikikiss na kita tuloy."

Hinalikan nga nito ang kapatid sa pisngi pero tahimik lang ang huli at tila walang naririnig o napapansin.

Ito naman ang drama ng pangalawa kong anak.

"C'mon, Sam." Natatawang sambit ni Zen. "Paiyak na ang kapatid mo, hindi mo pa pinapansin."

On cue, Samuel turned to his sister now and he quietly hugged her. Wala, ganoon lang. Sometimes, our second child is non-verbal. Tahimik siya kaya minsan, naiisip ko na kaya baka siya ang kinukulit palagi ni Lillian ay dahil gusto lang nitong magpapansin sa kapatid.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon