Chapter 9

34 2 0
                                    

KUMUNOT ang noo ko at naalimpungatan dahil sa nakakasilaw na liwanag. Kahit nakapikit ako ay nasisilaw ako nito. Wait, shit, what happened? Bakit bigla na lang akong nagising? Wala akong maalala na nahimatay ako o nakatulog! Ano bang huli kong naaalala? Hawak-hawak ako ni Andreas, hindi ba? Inaalalayan ako nito.

And shit!

It's my mark!

My marks are glowing!

Doon rumehistro sa akin lahat. Nasa isang maliit ngunit madilim akong kuweba. There are thick metal poles locking this cave away. At hindi pa sila nakuntento, may mga kadena rin ako sa paa! Nasa tubig na ako ngayon kaya ibig sabihin ay lumabas na kami ng kaharian.

The worst thing is,

My ability to breathe underwater is limited.

Ang pinaka-matagal ko ay halos kalahati lang ng isang buong araw. Only 12 hours. Fuck.

Mukhang marami na iyon pero kahit ngayon nga ay hindi ako makagalaw sa bigat ng kadenang nasa mga paa ko ngayon, idagdag pa ang kirot sa likuran ko. Hindi na nakakamatay ang sakit pero alam kong may sugat ako roon. Bugbog na bugbog na ang katawan ko, dude. Ilang oras pa lang, hindi pa nga yata isang araw.

Adora is dangerous and fucking hopeless if we'll die here.

Mahina akong nagdasal na sana ay ligtas ang lahat. At sana ay wala silang ginawa kina tatay. Hinihiling ko na lang na sana ay bigla silang magising at tulungan kami. I could have only imagine how high our survival chance would be if only tatay and the others are awake.

At si epal. Si Andreas!

Fudge, I hope he's safe.

Ako na muna magliligtas sa atin, epal.

Hold on. Tanggalin ko muna itong kadena sa paa ko.

Puta.

Nakakaiyak. Nasa tubig pa ako. Ang hirap makagalaw.

Pinipilit kong palusutin ang paa ko sa kadena pero hindi ito kasya. Namula lang ang paa ko at nagkaroon pa ng gasgas. I also explored my cage, to see if I can find something that will miraculously help me get out of here, but I found nothing. Sinubukan ko na ring paganahin ang mahika ko pero isang silip lang ng liwanag ang pinakita nito sa akin.

I don't understand. Am I weak? Is my magic weak? Or is it because Adora is taking my magic away as well?

Sumuntok na lang ako sa tubig na tila nagwawala dahil sa kawalan ng pasensya. Tiningnan ko rin ang nasa labas pero wala. Kadiliman lang at isang mahabang daanan. Magkakaroon na lang ng jump scare kung sakaling may mabilis na lumangoy papunta sa akin. All in all, nothing is nothing and it's all making me frustrated and uncomfortable.

I swam to the rocks and tried throwing at the metal poles. Pero walang nangyayari. Ang ibang bato nga ay hindi rin nakakaabot man lang noong ibinato ko. I'm useless, I can't even use my legs because of the chains. Wala rin akong lakas para masira ang mga bakal. I don't even fit between them to get out.

"Fuck this." Pinipilit kong hilahin ang kadena mula sa pader kung saan nakadikit ito. "Fuck!"

Napahiga ako.

"Ano kayang gagawin mo, epal?" I wondered to myself. Muli kong linibot ng tingin ang paligid. "Everything here is fucking useless. Even this cave's ceiling seems unreachable."

Kaunti na lang ay makakarinig na ako ng mga gawa-gawa kong tunog dahil sa katahimikan na nakakabingi. Every time I move, the water makes a sound but that's only everything to it. Wala ng iba. Wala namang nangyayari. Kaya ang natitira kong pag-asa ay kung may dadating dito sa akin.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon