HINDI ako makapagsalita. Ni hindi ako makagalaw. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa kaniya. I flinched when his water figure just vanished and water fell down to the ground. Mabilis akong napaatras nang biglang mabutas ang salamin at lumabas doon ang malakas na buhos ng tubig.
"L-Lom!" Agad kong dinaluhan si Lom na umuubong lumabas mula sa salamin. He's wet and he's weak. "Lom? Lom, ayos ka lang?! Lom---Lom! Shit!"
He just fell onto to the ground and became unconscious. Lumuhod ako at mahinang tinapik ang pisngi nito, paulit-ulit. Pero hindi siya gumigising.
"Nang mamatay ang ama ko dahil sa sakit, napagpasyahan kong tawagin ang sarili sa pangalan na ibinigay niya sa akin. Andreas. To remember him. Mga bagong nakakilala sa akin noon, Andreas na ang pakilala ko. Ngunit sa mga kaibigan ko, tinatawag pa rin nila akong Yura."
I stopped when he spoke.
Hindi ako makalingon dito.
"Matagal ko nang batid ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Na galing kami sa dugong bughaw ng kaharian ng Atlanta. Pero wala na roon ang atensyon ko. Dahil matagal ko na ring alam na wala ng pag-asa na makabalik pa kami sa totoo naming tirahan. Wala ng panahon pa para mamuhay bilang prinsipe, dahil nandito na ang buhay namin sa Laquer. Dito na ako lumaki."
My breaths are shallow, my chest is heaving because of the weight of my emotions.
Pinapakinggan ko lamang siya pero hindi ko pa rin magawang lumingon. Hindi ko masalubong ang mga mata niya.
"Ang lola at lolo ko, ang magulang ng aking ina, napaslang sila sa digmaan noon ng Obtuer at Laquer. Naiwan mag-isa ang ina ko, at ang tanging dumamay sa kaniya, ang nanatili sa tabi niya ay ang aking ama. Si Andes. Matalik silang magkaibigan at sila rin ang ikinasal sa huli."
Napayuko ako.
Tuluyan akong naupo sa basang lupa, habang nasa harapan ko ang walang malay na si Lom.
Then, in my peripheral vision, I saw how he sat beside me. Nakaharap ito sa akin at tulad ko ay umupo rin siya. I could only look at him from the side of my eyes, I could only listen to his voice.
"Nang sabihin nila sa akin na ang may kasalanan ng lahat ay ang mga mortal na sumalakay noon sa Atlanta, wala akong pakialam. Siguro ay dahil kuntento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Ayokong balikan ang nakaraan dahil unang-una pa lamang, wala na ang Atlanta. Ang importante sa akin ay ang buhay namin dito sa Laquer."
I licked my lower lips as I looked down at my hands. Inabot ko ang suot na kuwintas at pinaglaruan iyon.
"Hindi pamilyar sa akin ang sakit na naramdaman ni ina nang mawala sa kaniya ang mga magulang niya. Kahit noong namatay ang ama ko. Nagluksa kami ngunit mas nagdasal ako. Nagpatuloy ang buhay naming dalawa. Hanggang sa tuluyang bumigay ang Adora. Sa mga huling salitang iniwan sa akin ni ina, bumaligtad ang lahat."
That's when I turned to look at him. Ngunit nakayuko rin siya. Hindi nakatingin sa akin.
"Ang maskarang ito . . . ay matagal nang ginawa ni ama para sa akin. Para maitago ko ang marka ng Atlanta na nasa sintido ko pa. Pero wala na naman akong pakialam doon. Matagal nang nawala ang mga traydor na mortal. Kaya walang makakapanakit sa akin sa Laquer. Ayokong suotin noong una."
I sighed as I licked my lip again. "Then, why are you wearing it now? What really happened, Andreas?"
Tumingala na siya at nagsalubong ang aming mga mata.
Tila hinihigop na naman ako ng mga ito. The abyss within those orbs are magnetizing.
"Hindi lahat sa pamilya namin namamana ang marka na nasa sintido ko ngayon. Pero ako, namana ko. Kinuha ng sakit ang ama ko mula sa amin, ngunit nang mayanig ang Adora ay isang rason ang kumuha sa aking ina. Isang rason na hindi ko matanggap. Isang rason kung bakit tuluyan kong isinuot ang maskara na ito."
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...