Chapter 16

26 1 0
                                    

W-WHO is whistling that? Paano niya alam ang kantang iyon? Kuweba yata talaga ito ng ilusyon! It knows! Sabi ni tatay ay mapanganib ang kuwebang ito. Dahil kapag nadala ka ay makukuha ang enerhiya mo. But if this illusion will lead me to the heart, where the exit is located as well, then I must risk.

Kinabahan ako nang biglang tumigil ang pagsipol. Ngunit hindi nagtagal ang isang segundo ay muli ko iyong narinig. Parang kumuha lang ng hangin.

Ikinuyom ko ang mga namamawis na palad. I cautiously walked, following the whistling sound. At kahit alam kong maaaring isang ilusyon lamang ito ay kumakalma ako dahil sa naririnig. Amidst the darkness and deadly silence, my favorite song is the sound I can hear now.

I breathed heavily, in and out. Sometimes, I met dead ends when the whistle sounded like just behind of the wall. Uulit ako ulit at hahanap ng bagong daan. Mahina kong binubulong na sana ay magpatuloy lang ang pagsipol nito at hindi naman ako nabigo dahil hindi ito tumigil.

Paminsan-minsan lang.

"Keep moving, Lillian. Keep moving." Pangungusap ko sa sarili. Sinusundan ko pa rin ang tunog at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil palapit din nang palapit ang tunog sa akin. "C'mon. Malapit na. Malapit na, Lillian. Malapit na. Sobrang lapit na talaga. Feeling ko."

I stopped in my tracks when I heard the whistling sound just around the corner. Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko dahil alam kong isang ikot ko lang ay puwede ko nang makita ang ilusyon.

Huminga ako nang malalim.

"You can do this, Lillian."

At naglakad na ako, maingat, dahan-dahan lang . . .

I am almost just tiptoeing. Pero natigil ako at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang anino na papalapit sa akin. And the moment I decided to turn around, is the exact split second that someone came out from the corner.

Natigil ang pagsipol.

At nanlalaki lang ang mga mata ko sa pagkabigla.

"A-Andreas . . ." I could only utter his name. Pero sa loob-loob ko ay nag-uumapaw na ang saya sa puso ko. Only if I didn't realize that he could be an illusion. Hindi natuloy ang ngiti na sana ay lalabas mula sa labi ko. I slowly stepped backwards, still staring at his eyes, at his masked face.

Paunti-unti akong humahakbang pabalik.

But he suddenly stepped forward. Sa haba ng mga paa niya ay inisang hakbang niya lang ang distansya namin.

At diresto niya akong yinakap.

My eyes is just widened in shock, and my lips parted, loss for words. I felt his palm on my head and his face slowly burying in my neck. Balot na balot ako sa mga braso niya ngayon at sa init ng balat niya na tumatama sa akin, ramdam ko na ito nga si Andreas.

Pero hindi dapat ako makampante.

"Move away. Lumayo ka sa akin." Mahinang bulong ko.

Mabilis naman itong sumunod. "P-paumanhin kung napahigpit ang yakap ko. Hindi ko sinasadya. Masaya lang ako na maayos ang kalaga---"

"You're just an illusion of Andreas, aren't you?" I spatted. Matalim ang pagkakatitig ko sa mga mata nito. "Hindi mo ako madadala sa ganiyan. Kahit pa mukha niya ang ginaya mo."

Nakita ko ang pagbuka ng mga labi niya. Then he stuttered. "H-hindi ako isang ilusyon, Lillian. Hindi ako isang ilusyon lamang. Ako ito. Si Andreas. Iyong tinatawag mong 'epal'---"

"Nasa kuweba tayo ng ilusyon, hindi ba? Huwag mo na akong lokohin. The real Andreas would never stumble over his words. That man is confident enough to intimidate me. And he never acknowleged that name I always call him. Ayaw niya iyon. Gusto niyang tawagin ko siya sa totoo niyang pangalan."

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon