"HANDA ka na ba, Andreas? Huminga ka lamang nang malalim at maging kalmado. Wala kang mararamdamang kahit anong sakit. Maguguluhan ka dahil may malilimutan ka. Pero huwag na huwag mo nang pipilitin pang alalahanin iyon. Naiintindihan mo ba? Dahil baka maputol ang ritwal. Limitado lang din ang kapangyarihan ko."
I sighed and looked at Lily. Kahit hindi lingid sa kaalaman ko na nandito ang pamilya niya ay hindi ako nagdalawang-isip na halikan siya sa noo.
"Handa na ako."
"Sige. Umupo ka rito."
Umupo ako. At tiniis ang katahimikan. Napakabilis ng tibok ng puso ko, at ang tanging nasa isip ko ay si Lily. Ang iniisip ko ay ang kailangan ko siyang iligtas. That she deserves to live. My trona deserves that more than anyone else.
I am ready to sacrifice for her.
Pero sa mga oras na rin iyon, ay tila gusto kong maghanap pa ng ibang paraan. Dahil ayokong makalimutan siya. Ayokong makalimutan siya.
"Sandali lamang," Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo. "May . . . may kailangan lang akong gawin. Babalik ako."
I ran and went to find a piece of paper. Kahit anong papel basta masusulatan ko. Naghanap din ako ng tinta. Kailangan kong magsulat para sa sarili ko. Para kahit malimutan ko si Lily, kapag nabasa ko ito ay maaalala ko siya.
"Andreas, bakit ka umalis?"
Sinundan ako ni Lom.
"Ano iyang ginagawa mo?"
"Hindi ko kaya. Hindi ko siya puwedeng malimutan. Hindi puwedeng ako. Ayoko." Nanginginig na ang mga daliri ko habang nagsusulat at nababasa na rin ang papel dahil sa mga luha ko. "Kailangan ko itong isulat para paggising ko ay maaalala ko siya agad."
"Yura . . ."
Paulit-ulit akong umiling. "S-sandali lang. Mabilis lang ito. Mabilis na mabilis lang. Kailangan ko lang . . . kailangan ko lang talaga itong gawin."
I broke down.
Masakit na malamang malilimutan niya ako sa oras na magising na siya, pero kung kapalit no'n ay mabubuhay siya at maibabalik sa amin, titiisin ko na lamang. Pero ayokong pati ako ay makakalimot. Ayokong malimutan siya. She's too precious for me to forget. I love her too much for that to happen. Ayokong malimutan lahat ng mga pinagdaanan namin.
I don't want to forget how much she loved me.
"I-itago mo ito, Lom. Pakiusap. Itago mo at kapag nagising ako ay ibigay mo sa akin. Ipabasa mo sa akin. Nakikiusap ko. Gawin mo ang sinasabi ko, Lom." I begged him.
Tumango siya ngunit halatang nagdadalawang-isip. "Sigurado ka ba na kapag nabasa mo ito ay maaalala mo na siya agad?"
"I want to. So push me to read that over and over again."
Sinabi ng bathaluman na si Jovi na hindi raw ako makakaramdam ng kahit anong sakit. Pero ramdam na ramdam ko iyon habang nakaupo at nakapikit. Hindi ko nararamdaman ang ginagawa niya pero unti-unti ko nang nalilimutan ang mga ala-ala ko sa kaniya. Until I don't even know why I'm here and why my eyes are closed.
Until I forgot her face. Until I forgot her name.
Nang magising ako ay naguluhan agad ako. Lom was the only face I am sure of that time. At lahat sila ay nakatingin sa akin kaya naiilang ako. But when I turned to my left, I saw a woman peacefully sleeping.
At matagal na matagal ko siyang pinagmasdan.
Hindi ako makaalis at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin.
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...