Chapter 11

47 2 0
                                    

HINDI ko alam kung paano ako nakatulog habang buhay na buhay pa at halo-halo ang emosyon. The anticipation and nervousness were killing me inside but somehow, I became comfortable, drifted off to a good sleep, and dreamt of my family. Paggising ko ay nakapatong pa rin ako sa braso niya.

At hindi tulad noong bago ako matulog, ay nakaharap na ako sa kaniya ngayon. I am curled up, my arms beside my head while he's slightly facing me with his eyes closed. I caught my breath, knowing that his eyes are just closed, but he's not asleep.

Wala akong planong ipaalam sa kaniya na gising na ako. But when I heard the same low grumbling sound, now louder, I can't help but to move closer to him and to hug my knees together.

"Gising ka na." Mahinang bulong niya. "Huwag kang mag-alala. Ingay lamang iyan ng Terdan."

"G-gutom na ba siya kaya ganiyan?" Kinakabahan ako.

"I don't know." Matipid na sagot niya ngunit maya-maya ay muli siyang nagsalita. "Kumusta ang pagpapahinga mo? Naging maayos ba?"

Tumango na lang ako bilang tugon. I am just staring down at his chest. His coat is still over me, lending me the warmth I needed. Dumagdag pa ang init ng katawan niya dahil malapit siya sa akin ngayon. Hindi na talaga ako lalamigin.

"Pasensya na pala." Sambit ko at mabilis na bumangon. "Nangalay yata iyang braso mo. Mahaba ba ang tulog ko? Anong nangyari? May nangyari bang kakaiba? May nakikita ka na bang paraan para makalabas tayo rito?"

I watched how his arm muscles flexed as he folded and stretched it. Inayos niya ang maskara sa mukha bago sumagot. "Nag-iisip pa ako ng paraan hanggang ngayon. Ngunit kanina nga ay bahagya akong nakakarinig ng mga boses mula sa labas. Kung tama ang hinala ko, ay ang pamilya mo na iyon."

"Shit. What if you just hallucinated?"

"Maaari bang huwag kang magmura sa mga oras na ito?"

Tumaas bigla ang isang kilay ko. "Ano kamo? Huwag akong magmura? Ngayon mo na lang ako ulit sinita ah. Akala ko ayos na. Tsaka nagmumura ka rin ah! Lagpas na sa bilang ng mga daliri ko ang mga beses na nagmura ka!"

Tumitig ito sa akin, tila tinatantya ang sasabihin na sunod. In the end, he sighed as if he was defeated. "Bugso ng damdamin, Lillian. Ngunit kung ako lang ay pangit sa pandinig ang laging nagmumura."

Napatitig din ako sa kaniya. We're almost conversing as if we're normal friends. Hindi pa nga ako nakakabawi sa katotohanang tabi kami natulog at sa braso niya pa, tapos ngayon ay mas ipinapakita niya pa sa akin . . .

Goddamn it.

Lillian naman. Habang maaga pa, pigilan mo na.

Shit, right. Ayoko nga palang maramdaman ito sa kaniya. Of all people, why Andreas? Why Andreas who is an Adorian who obviously wanted to live here?

Habang ako na uwing-uwi na?

I looked away. "Right. Masama sa kalusugan, hindi ba? Hindi na mauulit, sir."

He also shot his eyebrow at me. Nakita ko ang pagsilip nito sa kaniyang maskara. And I can see from his eyes how ridiculously he's looking at me.

"Take your coat and warm yourself. Salamat." Nakangiting sabi ko bago inilipat ang coat niya sa kaniyang balikat. Nakahiga pa kasi siya, bahagyang nakaangat habang nakatukod ang siko dahil kinakausap ako. "Sana . . . sana nga ay tama ka. Sana ay sina kuya na nga iyon. I hope they're doing everything to get us out of here because it seems so hopeless inside."

"Manalig ka. Hindi ka nila papabayaan."

"Tayo. Hindi nila tayo papabayaan."

I glanced at him and looked away afterwards. Hindi tulad noong una kaming nag-usap na halos umapaw ang galit at pagyayabang ko, ngayon ay hindi ko na matagalan ang mga titig niya. Knowing that I had now my unfortunate and unforeseen realization, I don't know what to say anymore.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon