"SIGURADO bang maayos na kayo? Ayos ka na, Lillian?" Lom worriedly asked again for the second time. Naglalakad na kami ngayon papunta sa pintuan. Palapit ito nang palapit. Pero itong si Lom ay hindi matigil sa pagtatanong. Nakabawi na ako sa sinabi ni Andreas kanina't lahat-lahat pero makulit pa rin si Lom.
I smiled. "We're now fine, Lom. Thank you for asking a lot of times."
"Naninigurado lang." He sighed. "Kahit ikaw rin pala mahuhulog. Oh diba? Parang lalabas na iyong puso mo dahil sa kaba. Akala ko talaga katapusan ko na."
He can't still move on from earlier.
"We're near." Bulong ko at ngayon ay nakikita ko na nang klaro kung gaano kataas at kalaki ang mga pintuan na ito. It seems rusted, old, and shut tightly. Gold with dust. Carved golden intricate pictures. Iyon ang nakikita namin.
Rai lum obtuel.
Rai lum vuen.
Kahit medyo bobo ako sa tuwing tinuturuan ni tatay ng lengguwahe ng mga Adorian, ay isang salita siya na pinaka-itinuro sa akin. The most important word in our family. The thing that kept our family alive and intact. The feeling that drives me to do this all. The affection I have for Andreas.
Mahal kita.
Minamahal kita.
I smiled to myself after remembering it again for the ninth time. Nang sambitin niya iyon sa akin ay natulala na lang ako. Inalalayan niya na ako makatayo pero nakatulala pa rin ako. I just woke up from the shock and my reverie when Lom asked us if we're alright. Wala na akong maisagot pa.
Now, we're walking, holding hands of each other. Nasa unahan si Lom.
"Narating na rin natin, sa wakas! Mabuti na lamang at wala nang nangyaring masama o kung ano pa man." Si Lom ang unang nakalapit sa pintuan at nakita kong dumukwang siya. He leaned forwards, while his eyes narrowed into slits.
"S-sandali . . ."
"Bakit? Anong nakita mo, Lom?" Andreas asked, alerted. "May problema ba? Bakit ka nauutal?"
Bumaling ito sa amin habang nakakunot ang noo. He, then pointed his finger onto Andreas' direction. "K-kaya pala. Hindi na bago sa akin na may marka ka sa noo mo. Pero akala ko lang ay dahil kakaiba ka. I should have known better. Kaya pala pamilyar. Kaya kanina pa ako nag-iisip kung saan ko huling nakita ang nasa noo mo, Yura."
I looked at Andreas. Napatingin din siya sa akin at bahagyang nagsasalubong ang mga makapal niyang kilay. I saw his long scar that gave a slit in his eyebrow, passing down to his eye.
"Taga-Atlanta ka ba? Paanong . . . hindi ko maintindihan. Marka iyan ng Atlanta. Sino ka ba talaga, Andreas Yura?"
I nodded and gave Andreas a meaningful look. Kailangan niyang ipaliwanag kay Lom ang tungkol sa totoong pagkatao niya.
I saw how Andreas licked his lower lip as I heard his audible sigh. Nabigla ako nang lumapit siya sa akin at marahan na hinalikan ang sintido ko. Then he went towards Lom, their mouths opening, talking and I heard how Andreas offered a talk with Lom.
"Lalayo muna kami nang kaunti. Dito ka lamang." Tumango ako sa bilin niya.
Yinakap ko ang mga braso at hinaplos iyon. Tumingala ako, tinitingnan ang kabuoan ng pintuan. Then I slowly touched it, traced the carved golden images in the door. Magaspang na ito at tila lumang-luma na talaga.
Wait. Damn?
Nandito na ba kami sa Atlanta?
Ito na ba ang kaharian ng Atlanta?
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...