NANATILING nakatitig ako sa kaniya lalo na sa nakaka-intriga niyang maskara. Kung hindi pa ako hinila ni nanay ay hindi ako kukurap at hindi rerehistro sa isipan ko na sobrang nakakahiya ng ginagawa ko! Shit! Fucking shit! And he knows I'm staring! HE KNEW IT!
Dahil nakatitig din siya pabalik.
"Masaya akong bumalik na kayo, haring Dorcas. Sinabi sa akin na tumungo kayo sa mundo ng mga tao upang sunduin si prinsipe Luazen at ang pamilya niya." Bahagya siyang yumuko. Like a sign of respect. Doon na nawala ang mga mata niya sa akin. "At nalaman ko pang gagamitin ninyo ang lagusan namin. Kung kaya't sinalubong ko kayo. Maligayang pagdating."
I awkwardly smiled.
"Maraming salamat, haring Andreas. This is a privilege. Para salubungin kami mismo ng hari ng Atlanta, isa talaga itong malaking karangalan." Tugon naman ni uncle Dorcas. He bowed as well.
"Wala iyon. Kung ganoon man, ay halina. Naghihintay na sa inyo ang Laquer at ang pagdiriwang na gagawin mamaya." His deep voice leaving traces of questions inside my head. Malumanay ang pagkakasabi niya at nang tumingala ay direstong nagtama ang mga mata namin.
I thought he will just ignore me, that's why I kept staring.
But he did not.
"Ano't nakatitig ka sa akin, mahal na prinsesa? Nagtataka ka ba kung bakit ako nakasuot ng maskara?"
Pumihit ang lahat papunta sa akin. Their eyes questioning me. Ngunit si nanay ay pinanlalakihan ako ng mga mata. Nararamdaman ko na tuloy ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sobrang pagkahiya.
"W-wala po, mahal na hari. Nakaka . . . ano, nakaka-intriga lang po kasi. Iyang, ano, iyang m-maskara ninyo po. Opo. Ngayon lang kasi ako---ehem---ngayon lang po kasi ako nakakita ng, ano, nakamaskara rito sa Adora. Ikaw lang po ang una kong nakita---I mean, ang una kong nakita na nakamaskara."
Hindi naman yata ako nautal, hindi ba? I sounded too confident, shit!
The atmosphere became awkward because all fell into silent. Mas lalo pa akong napahiya dahil nanatiling blangko ang mukha niya. Ni hindi siya ngumiti o ano. Parang hindi na siya natutuwa.
And then, he ignored me.
"Halina kayo. Dito ang daan." Tumalikod na siya at ganoon-ganoon lang ay nanguna na sa paglalakad. He led the way out of the cave where their portal is located.
And I dared not to speak about it!
"Daldal mo kasi." Sage whispered.
Siniko ko siya. "Bwisit ka. Napahiya na nga ako sa hari. Sa hari pa!"
"Shhh, ate! You're too loud."
"Pasalamat ka. Eh kung ikaw kaya iyong mapahiya? Nakakahiya talaga, Sage! Shit. Hindi siya natuwa sa ginawa ko. Why do I keep staring at him ba kasi?"
"Ayan nagiging conyo ka na."
"Baliw. Bwisit ka talaga."
"Lily, Sage." Natikom naming dalawa ang bibig nang mabilis kaming lingunin ni nanay. "Huwag na kayong mag-away at mag-ingay diyan. Makakarating na tayo sa loob ng Atlanta. It won't be a good sight."
"Sorry, nanay." Sage whispered. Dumistansya na siya sa akin.
I sighed and stared at the king, at his back, specifically. First thing I noticed, is his built can simply intimidate anyone. Malaki siyang Adorian. Tatay and my uncles are tall, but he's taller than anyone else here. Malaki rin ang pangangatawan niya. The true built of a king. Isang hari na kinakatakutan.
Kaya hindi na ako nagtataka. He's scary. And yes, his mask is intriguing. I'm now goddamn curious about his face. Of what he looks like. Guwapo ba siya? May itinatago kaya siya?

BINABASA MO ANG
Adora
RomansSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...