AKALA ko ay tuluyan akong mawawalan ng pandinig pero bumalik na ito. Dumugo nga lang ang kaliwa kong tenga. After enduring long hours, trying to eradicate all those monsters, the fight is finished, for now. Nandito kami ngayon sa silid ng pagpupulong ng hari, dito kami ginagamot.
Lumapit sa amin si tatay na may mga benda na. "Are you all okay? Ano? May mga sugat ba kayo? Patingin ulit." He checked us one by one. At nang matapos ay nakahinga nang maluwag. "Wala kayong sugat."
"Anong mga pangalan ninyo?" Nakangiting tanong ng isa pa sa mga tiyuhin namin. Si Kozan yata ito. "Hindi ko alam kung sino ang mas kamukha ninyo. Si Stella o si Luazen. It's a good of mix genes, huh?"
Sugatan silang lahat pero parang wala lang nangyari.
"Si Leonardo, panganay namin." Si tatay na ang nagsalita. "Sunod sa kaniya si Samuel. At si Lawrence. Pagkatapos ay ito si Lillian, ang nag-iisang babae naming anak. May sinundan pa si Lily na kuya niya, si Sebastian. At si Sage ang bunso namin."
"Sandali," uncle Aquen counted his fingers. And then he gasped. Sinuntok nito ang braso ni tatay. "Grabe ka! Noong pagbisita mo noon ay sabi mo, tatlo lang! Bakit naging anim?!"
"Bawal ba?" My father just shrugged.
Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa mga kawal na nakabantay sa amin ngayon. Nakuha muli ang atensyon ko ng kawal na nagligtas sa akin kanina. Iyong kawal na may maskara. He's wearing a half mask and even if I can only see his lips, I can say that he's an impassive man.
"Masaya akong makilala kayo. At masaya ako na nagbalik kayo sa Adora." Sambit naman ng isa naming tiyuhin pa, ang hari. "Paumanhin dahil hindi namin nais na gambalain pa kayo, Luazen. We badly wanted to just handle these by ourselves but we need you. We need all the help we can get."
"Alam ko." Tatay nodded. "Stella and I made a big decision about this. Lalo na sa mga anak namin. It might be selfish but I promised that I will take our kids back home in one piece. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa kawal na tumulong kay Lily. Narito ba siya?"
"Ayon siya, ama." Kuya Sam pointed the masked Adorian soldier.
When everyone turned to him, he bowed to pay respect.
Tatay nodded. "Salamat sa pagligtas kay Lillian. Malaking bagay iyon sa amin."
I stiffened when I saw how his eyes quickly glanced at me. "Walang ano man po. Iyon ang trabaho ko bilang heneral ng hukbo ng Adorian. Nagagalak po akong makita kayo, prinsipe Luazen."
"Siya ang heneral ng hukbo natin," Uncle Dorcas started. "Iyan si Andreas. Siya ang pinaka-mahusay sa pakikipaglaban at ilang taong pagsasanay na rin ang nalagpasan niya. Mapagkatitiwalaan siya at siya rin ang nagsasanay sa mga kawal na Adorian. Kung kaya't wala na akong sasayangin pang oras, Luazen."
"Ano ang plano?"
"Para sa proteksyon ng mga bata ay isasanay natin sila sa pakikipaglaban. Si Andreas ang mamumuno nito. At siya rin ang aatasan kong heneral na poprotekta sa kanila."
Napatango si tatay at bumaling sa amin. "Sinanay ko naman na ang mga batang ito kaya hindi na sila maninibago."
Sunod na nagsalita si uncle Kozan. "Kung ako sa inyo ay bigyan niyo, bawat isa, ang mga bata ng magsasanay sa kanila upang masiguro natin na matututo sila. Kapag nasanay na sila at masasabi nating mahusay na sa pakikipaglaban ay maaari na natin silang pagsamahin sa iisang arena. Maliban kay Andreas, ay may mahuhusay ring ibang kawal. Si Lom, hindi ba?"
"Maaaring ganoon." Napatango-tango ang hari. Tiningnan niya kami. "Tawagin lahat ng mga mahuhusay na kawal sa ating hukbo."
"Masusunod, mahal na hari."
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...