SITTING by the small fire Andreas made for me, I folded my knees and hugged them again. Magkatabi kami kanina ni epal pero nang makakuha ng pagkain si kuya ay wala man lang itong salitang umupo sa gitna namin. Hindi ko na lamang pinansin. Now, he's sitting across me, eating as well.
Sabi na. Gutom pa siya eh. Ibinigay pa sa akin ang isdang nahuli niya.
"Have more," My brother whispered as he gave me fish meat. "Wala na iyang tinik." If only you knew, kuya. Andreas removed the sharp fish bones from my food as well. "Iniisip mo na naman ba ang nagugustuhan mo? Tsk. Eat, Lillian."
Agad akong umiwas ng tingin at isinubo ang pagkain.
"Ehem," Uncle Kozan suddenly cleared his throat, gaining all our attention. "Ipagpatuloy niyo lamang ang pag-kain sapagkat ito ang pinaka-tamang oras upang ipaliwanag ko sa iyo ang kasulukuyang mga nangyayari at kung ano na ang gagawin natin."
Lahat kami ay nakaupo sa lupa, nasa isa kaming pabilog na posisyon at pinapalibutan ang malaking apoy na unang ginawa ni Andreas. It's just that, just beside my feet is also the small fire he made for me again. Sa kaliwa ko ay si kuya Sam, habang sa kanan ay si Lom.
Across me, sat Andreas and my uncle. Sa tabi ng huli ay ang reyna at naroon na sina uncle Dorcas at uncle Aquen, at ang mga pinsan ko. Narito kasi sa tabi ni kuya sina tatay, at kuya Leon at kuya Lawrence.
Nang magtama ang mata namin ni epal ay matipid ko siyang nginitian. His face remained impassive without any difference.
"Ang pamangkin ko, na si Piero ang magpapaliwanag muna tungkol sa mga nalalaman na natin." Lahat ay napalingon kay Piero nang sabihin iyon ni uncle Kozan.
"Alright." He gave a small smile first before he evidently took a deep breath. "Unang-una ay nais kong ipahayag kung gaano ako nagagalak na lahat tayo ay nakaligtas sa pag-atake ng mga sirena. At mas lalo na ang pagiging ligtas ng aming pamilya kahit wala silang malay. We have you to thank for. Nagpapasalamat ako sa tapang at katapatan ninyo sa Laquer."
I smiled at that.
He continued. "Noong una ay inaakala namin na simpleng nasisira lamang ang ating mundo at kinukuha na nito ang mahika namin. Naglalaho ang mga marka, nagbukas ang lagusan na hindi dapat magbukas, at kahit si Olirde ay naging malupit na rin. Ang akala namin noon ay makakatulong ang pagiging mortal ng mga pinsan ko upang matapos ang lahat ng kaguluhan na ito. Ngunit mali ako."
Naglaho ang ngiti sa labi ko. Unti-unting kumukunot ang noo ko sa pagkalito.
"Inakala pa nga namin na baka hindi naisara ni ama ang lagusan noong huling bisita ni goulno Luazen. Na baka lumabag na kami sa batas ng Adora, na bawal gamitin ang mahika sa pilit na pagbukas ng lagusan. Ngunit hindi rin pala iyon dahil doon. Partly, yes. But there's more than that. More important . . ."
Will he be able to clear everything now?
"Alam na natin ang tungkol sa mga reuni ng bawat kaharian sa Adora. Ang tatlong golden plaques ng Laquer, Obtuer, at . . . Atlanta. Hindi tulad ng inaakala natin ay ngayon, sa tulong ng libro ni Lillian ay naintindihan na namin na ang pinaka-rason kung bakit nagkakaganito ang Adora ay dahil hindi ito kompleto. May nawawala sa kaniya. At iyon ang puso ng Atlanta."
Yes, I already know about that. Nagtama ang mga mata namin ni Piero at binigyan niya ako ng isang tango. I also nodded my head at him.
"It led us to think that maybe after all these centuries, these milleniums, Adora was trying to bring Atlanta back to life again. Ngunit ang katanungan ay kung bakit ngayon lang nagkaganito? Bakit ngayon lang nakalabas ang mga halimaw? Ngayon lang nagkaroon ng digmaan? Ngayon lang tayo nawawalan ng mahika, ng marka? Kung matagal nang sira at limot ang kaharian ng Atlanta?"
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...