Chapter 4

34 3 0
                                    

"CAN I have a word with you?" Napaiwas ako ng tingin nang sabihin iyon ni tatay kay epal. Tumango naman ang huli at sumama sa ama ko sa loob ng isang silid. I don't know what they are going to talk about but tatay sounds so scary right now. Sana matakot din yang epal na yan kahit mas matangkad siya kay tatay.

"Did that soldier hurt you?" Hinawakan ako ni kuya Leon sa magkabila kong braso at inikot-ikot ako. He scanned me, trying to find any bruises. "What the hell are these, Lily. Bakit may mga benda ka? May sugat ka nga. Shit."

Lumapit na ang iba ko pang kapatid. I sighed and pulled my arm back. "I'm fine. Ginamot na ako ni uncle Dorcas. Don't worry. Hindi na ito mauulit pa. Dahil si tatay na ang magsasanay sa akin."

I grinned at my eldest brother. Akala ko ay aangal siya pero tumango ito. "Si tatay na ang magsasanay sa iyo para hindi na talaga yan maulit. I'll have that masked soldier. He can't hurt you again or I'll break his neck."

"Sinaktan siya noong naka-maskara?" Tanong ni kuya Samuel. Kunot-noo niya akong binalingan. "What the fuck happened, Lillian? Malaki ba yang sugat mo?"

I quickly shook my head.

"Kinakausap naman na ni tatay iyong kawal na iyon. Alam na niya ang nangyari kay Lily." Malumanay na nagsalita si kuya Law. He caressed my hair as he smiled. "Masaya kami na maayos ka. Tatay won't let that happen again."

Sa aming lahat talaga, si kuya Batas ang pinaka-malumanay. Sa tuwing may nag-aaway sa amin na kadalasan ay ako at si kuya Sam ay siya ang pumapagitna. Dahil sa pagiging malumanay niya ay mas lalo kong naalala sina nanay at Sage. Ganito rin sila. Gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko nang umuwi na kami kina nanay.

"Magandang araw, mga pamangkin ko!" Uncle Aquen just appeared from our side and greeted us with a big smile plastered on his lips. "Grabe. Naalala ko sa inyo ang mga sarili namin noon. Ganiyan din si Dorcas sa amin. And you, Leon and Sam? You reminded me so much of your father."

Hindi kami nakaimik.

He, then, looked at me. "Kayo naman ni kuya Lawrence mo, Lillian. Iyan ang dalawang side ng nanay ninyo. Malumanay at pasaway rin. Ang tapang kaya ni Stella! Talagang inaaway niya pabalik ang tatay ninyo! At siyempre, sino ang palaging talo?"

Pasaway pala ako? Okay. Aminado naman ako. Palamura pa.

"Si tatay." We answered in chorus.

"Tama! Tama, that's very good. Palaging talo ang tatay ninyo." He smirked and laughed. "Anyway, mabuti at ligtas kayo, mga bata. Sumusulpot na lang kahit saan, kahit anong oras ang mga kapahamakan kaya masaya akong narito kayo. Mas mabuti na rin na may kasama kayo at poprotekta sa inyo."

"What if ako na lang po ang magbantay kay Lily?" Tanong ni kuya Sam. "Wag na iyong si Andreas. He hurt her."

Napailing-iling si uncle Aquen. "Hindi ko ipinagtatanggol si Andreas pero hindi rin puwede ang kagustuhan mo, Samuel. Anyway, may I talk to you, Lillian? Maaari ba kitang makausap tungkol sa rason kung bakit kayo nandito?"

I saw how his emotions shifted. Naging seryoso na ito.

"Si Lillian lang po?" Nagtatakang tanong ni kuya Leon.

Uncle Aquen nodded. "Oo. Maaari ba? Lillian?"

Tumango na lang ako at mas ikinangiti iyon ng tiyuhin ko. He instructed me to follow him and I did, leaving my brothers behind. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan namin at may parte sa akin na kinakabahan. I don't know how much this silent war changed them. Hindi ko alam kung tulad pa rin si uncle Aquen sa mga kuwento nina tatay at nanay.

We stopped, far enough from the group. Nakita kong inilagay niya ang kamay sa likuran at pinakatitigan ang mga nasirang parte ng kaharian.

"It's a mess, right? They're all ruined." Panimula niya.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon