HANGGANG ngayon ay ginagawa ko pa rin ang lahat huwag lang magtama ang paningin namin ni Andreas. Siyempre! Alangan titigan ko pa siya nang titigan?! Mas mahahalata niyang apektado ako sa sinabi niya sa akin! Kanina pa ako nakaupo lang dito sa gilid, katabi si kuya Samuel na nakasandal sa balikat ko. He's sleeping.
I buried my face in my knees.
Damn.
Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. How it fluttered and how much I restrained myself from telling him that I like him.
Mabuti napigilan ko ang sarili. Dahil kung hindi, mapapahiya ako. I'm aware that what he told me is about being friends. Malayo siya sa amin pero ako, maliban sa akin. I'm slowly becoming an exception for him. But it doesn't mean that it's the same what I feel for him. Mine's far different.
Until we found this dry shelter, I'm beside him. Hindi ko na nagawang tanggalin pa ang braso sa kaniya. At hindi na rin siya umangal.
Nang makapasok lang ay doon na siya lumayo. Tahimik niyang inalis ang braso ko at tumungo na sa gilid, kasama ang ibang kawal. Sa oras pa lang na iyon ay nalungkot na naman ako.
Gusto ko yata talaga siyang kasama.
Inangat ko ang ulo pero nabigla naman ako nang may sumulpot.
Piero suddenly appeared in front of me, as he squatted. "Kumusta? Ayos lamang kayo diyan ng kuya mo? Nakatulog siya. Siguro ay napagod. Magaling na din lumaban si Samuel. Marami siyang napaslang bago kami tuluyang mahuli ng mga sirena."
"Nakakagulat ka naman." Hindi ko maiwasang komento.
He chuckled. "I apologized. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan. You seemed . . . a little bit occupied. Anong iniisip mo na nakakapagpatulala sa iyo, Lillian?"
Ang heneral ninyo ang iniisip ko.
I shook my head. "Wala naman. Siguro ang lahat ng mga nangyayaring ito ang nakapagpatulala sa akin. It's exhausting, you know? And still confusing as hell. Kahit may mga clue na tayo, hindi pa rin klaro. Lahat ng mga sinabi mo noon, bumabaligtad na ngayon."
"Yes," He smiled. "Well, it was barely a truth, Lillian. It was our observation. Dahil bago sa aming lahat ito. Ngayon na nandito na kayo ay unti-unti na naming naiintindihan ang nangyayari sa Adora at kung anong kailangan nating gawin para mailigtas ito."
I let out an exasperated breath.
Tinapik niya lang ang balikat ko. "We'll be fine. Our families will be fine. Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para maging ligtas tayong lahat. Ikaw. I'll protect you."
"Thank you." I sincerely said.
Medyo pangit ang una naming pagkikita ni Piero kahit pinsan ko pa siya. Naiinis ako sa kaniya, galit ako dahil akala ko ay noon lang nila kami naalala noong kailangan nila ng tulong. That maybe they're only using us. But I never realized how much it must have been difficult for all of them. Na kung tutuusin ay sinisikap din nilang maging ligtas kami.
They didn't call for us, they didn't search for us because they didn't want to involve us in this danger. Pero ngayon ay wala ng pamimilian pa. Kailangan naming magkaisa.
"Mataray pa ako sa iyo noong una," I chuckled as I remembered how I shouted at him before. "Pero salamat, Piero. I'll do everything as well to protect everyone here. We'll protect each other."
Lumawak ang ngiti niya sa labi. "We'll protect each other."
The conversation ended with him ruffling my hair like an older brother. Yinakap niya rin ako. Ngayon ay malapit-lapit na rin ako sa pamilya kong nandito sa Adora. Akala ko ay sa kuwento ko na lang sila maririnig. I thought I will only be able to imagine them. After what happened ten years ago.

BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...