NANLAKI ang mga mata ko nang mapatingin sa likuran. I gulped as I saw Lom and my brother whose eyes squinted at me while his arms are crossed over his chest. He looks fuming mad and I saw how Lom tried to talk to him but he just muttered something.
"Minumura mo ba ang kapatid ko?" Kuya Sam's voice echoed.
Napalayo na ako nang makitang naglalakad na ito patungo sa amin. Napangiwi lang sa akin si Lom at mukhang alam ko na, na hindi ako nito matutulungan ngayon.
Bumaling si epal kay kuya. "Paumanhin po ngunit hindi ko sinasadya ang nasambit ko at hindi ko po minumura ang kapatid ninyo. Ang minumura ko ay . . . ang sarili ko. Muntikan na naman po kasi siyang mapahamak. Muntik na po siyang madapa."
Kumunot ang noo ni kuya, tila naguguluhan ito at hindi tinatanggap ang paliwanag ni epal. Oo nga. Bakit ba kasi siya nagmura? Tapos narinig pa ng kapatid ko.
"Is that true, Lily?" My brother's gaze directed to me. Mas lalong nanliit ang mga mata nito habang naghihintay. Parang hinuhuli niya kung nagsisinungaling man ako.
Ngunit walang kurap-kurap ko siyang sinagot. "Yes. Of course, it's true. Sa tingin mo ba hahayaan ko na ako ang murahin niya? Tsaka look! Lumabas ka, nandito lang kami. Nagtsitsismisan lang kami rito ng kaibigan ko tapos nakikisama rin kayong dalawa. Diba, Andreas?"
"K-kaibigan?" Lom looked taken aback when he stuttered. Natakpan pa nito ang bibig. "Paumanhin po."
"Oo kaya!" I proudly smiled and glanced at epal. "Nagkabati at nagkasundo na kami, kuya Sam. Hindi ko rin siya tinatawag na epal. Tinatawag ko na siya sa pangalan niya. And he will train me mamaya. Kaya aalis ako mamaya. We need to do whatever we need to do here as fast as we can. We don't want to be late, right?"
Doon tumango ang kapatid ko. "That's right. About that, uncle Kozan will train me. And Lom will train you as well. Para may dalawa kang bantay habang wala ako."
"Okay. That's great." Sang-ayon ko.
Bago umalis ang kapatid ko ay nakita ko ang matalim niyang titig kay epal. I just looked away and gulped. As if we're doing something bad! Wala! Ang may pakana lang talaga ay ang epal na ito. Bigla na lang gagawa ng mga bagay na pati ako natutulala. What was that even? Really, in the middle of a war?
"Hello, Lom." I greeted the other soldier.
Yumukod ito. "Hello rin po."
Katahimikan ang sumunod. At nagpalipat-lipat ang tingin ko kay epal at kay Lom na mukhang walang planong mag-usap.
"Hoy!" Ginulat ko sila. And of course, they did not budge. Si Lom lang na liningon ako. "Wala ba kayong planong mag-greet din sa isa't-isa? Or baka gusto niyong maging Messenger pa ako para sa inyo? Diba, magkaibigan kayo? Sabi pa nga ni epal, magkalaro---"
"May kukunin lamang ako. Maiwan ko muna kayo." Epal cut off my words and just walked away, leaving us confused. I mean, he left me confused. Because the way Lom sighed, I think he knew why.
"Lom," Bumaling siya sa akin. "I know that maybe I should just mind my own business but epal saved my life and I think he will never allow me to know him more. So baka ikaw ang makatulong sa akin? You don't need to tell me everything. It's just that, I feel like you were close before. Baka nga kasali pa si Uz."
Ilang minuto ang lumipas ngunit umiwas lamang siya ng tingin at hindi nagsalita.
I sighed and quickly took back my words. "Sorry. Hindi dapat ako nakikialam. Maybe I'm just really curious about you all. Lalo na sa nakamaskarang epal na iyon. Alam mo bang ininsulto ako niyan nang sobra-sobra tapos sasabihin na ako lang ang gusto niyang i-train?"
BINABASA MO ANG
Adora
RomanceSequel to Depth After 10 years, an unexpected encounter will forever changed Stella and Luazen's family. Thinking that they might be the only Adorians thriving in the human world, seeing a new one is the unforeseen situation. But what brought this A...