Chapter 20

31 1 0
                                    

LOM

"MASAYANG-masaya po kami na gising na kayo, mahal na hari. Salamat po. Nakakatiyak akong magiging masaya rin nang sobra si prinsipe Piero." I smiled happily as I turned to prince Luazen. "Kayo rin po. Siguradong magsisisigaw si Lillian sa saya kapag nayakap niya na po kayo."

Itinusok ni prinsipe Aquen ang espada sa lupa. Sinandal niya ang braso roon at napabuntong-hininga. "Maraming salamat at pinrotektahan ninyo kami. Patawad. Hindi ko batid na mangyayari ito. Tila nakakulong lamang kami sa mga katawan namin. Hindi kami tulog na tulog. May mga naririnig kami."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ni ate Vana.

"Mamaya na natin pag-usapan ito. Kailangan na muna nating matapos ang kaguluhan dito." King Dorcas dismissed it all. Bumaling siya kay Olirde. "Walang malay si Olirde. Hindi naman natin siya napaslang. It will buy us enough time to be able to guard the pillar."

"Halika. Puntahan na natin sina Piero." Prince Luazen said enthusiastically. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. "Looking around us, it looked like Lily succeeded. Unti-unti nang naaayos ang Atlanga. Nailagay na nga nila ang rueni sa pillar."

"You mean, your ring." Prince Kozan retorted.

"Ha? Ang singsing ko?"

"Oo. Iyon na lamang ang ginamit namin. Mukhang gumana naman."

"Paanong gumana---"

"BITAWAN MO SIYA!"

Natigilan kaming lahat nang marinig ang malakas na sigaw na iyon na nanggaling sa silid kung saan, naroon ang totoong pillar ng Atlanta. Kumunot ang noo ko at napatakbo nang wala sa oras nang mabilis na tumakbo paalis si prinsipe Luazen. We all followed behind, but I stopped when I saw Yura.

"Yura?! Kaya mo pa?!" Natataranta kong tanong.

Nanghihina itong tumango. "K-kaya ko pa. Just . . . just go first. Susunod na lang ako."

"Ako na ang bahala kay Yura!" Nagmamadaling sabi ni Uz at linapitan niya ito. "Sige na. Umalis ka na, Lom. Mukhang . . . mukhang may nangyayari roon. Kailangan ka nila."

Natigilan ako.

Anong nangyayari?

"B-bakit? Anong nangyayari? Where's Lily---" Akmang tatayo na si Yura ngunit pinigilan ito ni Uz. "May masama bang nangyayari? Kailangan ba nila ng tulong? What's happening, Uz? Tell us!"

"Yura, huminahon ka." Umiling ako. "Alam kong walang mangyayaring masama. Tapos na. Tingnan mo oh. Unti-unti nang bumabangon ang Atlanta. Tiyak akong nagtagumpay si Lillian. Don't worry. I'll see what's happening. Then I'll tell you what it is."

Tumango lang ito ngunit halatang hindi mapalagay.

I ran towards the entrance. Ngunit malapit pa lamang ako roon ay rinig na rinig ko na ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng kung sino man. Tila bumagal ang takbo ng oras. Mabilis akong tumatakbo ngunit nang makarating ako ay pakiramdam ko, kulang na kulang.

"SAMUEL!"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, ni hindi ako makakurap dahil ayaw kong maniwala sa nakikita ko ngayon. Just then, I realized that tears already found their way through my cheeks. Nalasahan ko iyon.

"LUAZEN! PIGILAN MO ANG ANAK MO! PATAY NA SI KINO! SAPAT NA!"

"SAMUEL! TAMA NA!"

Prince Samuel was too violent, he was rabid. Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang makita na tila walang laman ang mga mata niya. Blangko, walang emosyon, ngunit ang mga kamay niya. Parang napunta lahat ng galit sa mga kamay niya. Blood was splattering all over the place as he kept stabbing the lifeless body of the Obtuer king.

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon