003

113 9 3
                                        

Ace Martinez
acemartinez

7:13 PM

Ace:
Hoy
Siguro naman ikaw na may hawak ng cp mo?

Aeron:
Bakit?

Ace:
Nakita mo nag-follow sayo?

Aeron:
Oo.

Ace:
Followback mo raw
Gusto ka kausapin

Aeron:
Bakit?

Ace:
Malay ko ba sa gustong sabihin niyan
Kaya kausapin mo na para malaman mo
Para umusad na rin buhay mo
Tapos tsismis mo samin ni Butch

Aeron:
Anong tingin mo sa akin?
Tambay lang sa may kanto?

Ace:
HAHAHAHAAHAHAHA
Pero seryoso nga
May message nga sayo?

Aeron:
Oo.

Ace:
Kauusapin mo?

Aeron:
Bakit?

Ace:
Kasi sabi ko!

Aeron:
Kapag hindi mo pa tinigil 'yan, hindi lang batok ang aabutin mo sa susunod na kita ko sa 'yo.

Ace:
Sus
Huwag mo sabihing hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-move on kay Val?

Aeron:
Alam mo na sagot ko diyan.

Ace:
Malamang
Wala ka namang choice

Aeron:
Alam mo naman pala.
Wala na kong oras sa ganiyan.

Ace:
Pero wala rin naman mawawala sayo kung susubukan mo.
Hindi mo naman puwedeng ikulong sarili mo sa isang sitwasyon lang.
Satisfied ka na sa buhay na puro trabaho at pag-aalaga lang kay Aurora?

Aeron:
Sige, papayag ako.
250 every 30 minutes.

Ace:
Ginawang business, amputa!

Aeron:
Sa trabaho, may bayad oras ko.
Tapos dito, gusto free lang?
Huwag ka takaw suwerte.

Ace:
Inamo talaga HAHAHAHAHA
Madali naman akong kausap

7:47 PM

Ace:
Paano ba yan?
Pumayag siya sa kondisyon mo 😏
Ano, bigay ko ba?
Kung ayaw mo, ako na lang tatanggap ng pera

Aeron:
Kahit kailan hindi ka talaga marunong mag-pick-up ng sarcasm, 'no?

Ace:
HAHAHAHAHAHAHA
Gago, seryoso talaga siya
Kinukulit nga ko

Aeron:
Edi huwag mo pansinin.
Tapos ang usapan.

Ace reacted 😆 to your message.

Ace:
Sayang yong pera ☹️

Yellow TraitsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon