041

27 3 0
                                    

19th April 2022
Tuesday, 7:15 PM

TRESE-TRES

Ace:
May napapansin akong kakaiba.

Butch:
Ano?

Ace:
Parang simula noong valentines, nanahimik bigla si Tav?

Butch:
Sabi naman ni Josh, busy.
Hindi naman nakakataka.
Mukhang tuluyang nag-boom business niya.

Ace:
Bukod pa roon.

Butch:
Kanonood mo 'yan ng kung ano-ano kaya kung ano-ano rin ang napapansin mong ugok ka.
Ano na naman ba?

Ace:
Kapag nakikipag-kuwentuhan siya sa GC tapos lumitaw lang si Ron, bigla siyang nawawala rin.

Butch:
Tapos?

Ace:
Kapag kasama si Ron sa post, parang nilalaktawan niya na rin.

Butch:
Gago. Paano mo alam na nilalaktawan?
Baka hindi lang nakikita.
Tangina nito, walang kuwenta pinagsasasabi.

Ace:
May nangyari kaya?

Butch:
Tulad ng?

Ace:
Hoy, @Aeron! May nasabi ka ba kay Taviana?
Bakit parang umiiwas sa 'yo 'yon?
Ang unusual lang kasi na ganoon siya umakto.

Aeron:
Wala. Baka napagod na kakakulit.
Edi ayos na rin para walang magulo.

Ace:
Sigurado ka?
Kilala kita, gago.

Aeron:
Bukod sa binalik ko lang sa kaniya 'yong package na nakuha ko noong Valentines, wala akong ginawa.
Kung mayroon man at ano man lumabas sa bibig ko, wala akong ipagpapasensya sa kaniya.

Butch:
Teka.
Package?
Alam niya address mo?

Ace:
May pinadala siya sa 'yo noong Valentines?
Paano niya nalaman ang address mo?

Aeron:
Ayan din ang tanong ko.
Dahil sigurado akong walang magsasabi sa inyo.

Butch:
Isa pa.
Wala rin naman siyang tinatanong sa amin.

Ace:
Ano ba pinadala sa 'yo?

Aeron:
Bouquet of Sandwiches.

Ace:
WEH?
Alam niya rin paborito mo?

Aeron:
Oo.
Hindi ba ikaw ang nagsabi sa kaniya?

Ace:
Huh?
Wala naman siyang tinatanong na ganiyan sa akin, ah?
Nagkukuwento at panay reklamo lang naman siya sa 'kin dahil ang ikli mo raw mag-reply.
Ayon lang 'yon at wala ng iba. Kasi simula noong isang beses ako na tumanggi na sumagot sa tanong niya, tumigil na rin siya.
Saka kung magtanong ulit siya, hindi ko na rin pagbibigyan.

Butch:
Ang tanong, hanggang saan 'yon?

Ace:
Doon sa biruan tungkol sa money app.
Hindi ko rin naman na masiyado nakakausap si Tav.
Baka lumala away namin ni Kar kapag nagkataon.

Aeron:
Kung hindi na kayo nagkakausap, saan niya nalalaman 'yong information na sinasabi niya sa akin?

Ace:
Ewan ko. Bakit hindi mo tanungin diretso?
Sigurado naman ako na sasagot 'yan sa 'yo. 

Butch:
Sasagot, pero baka naman hindi totoo.
May tao bang umaamin sa mali nilang gawain?
Alam niya na hindi tama 'yon. Kaya panigurado hindi 'yan aamin.

Ace:
Magsabi man ng totoo o hindi, nakakapagtaka pa rin.
Kung may nakakalap, ibig sabihin may pinanggagalingan.
Kahit ba maliit na bagay lang, tungkol pa rin kay Ron 'yon.
That is still invading privacy of someone.

Butch:
Ang tanong, saan nga?
Kung tao man napagkukuhanan niya, sino kaya?

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon