23rd July 2022
Saturday
Ace Martinez
imacemartinez
12:12 PM
Ace:
Alam ko na kung sino nagpadala sa 'yo kahapon.
Aeron:
Gago.
Ace:
Kaya pala ayaw sabihin, ah.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA 😋
Aeron:
Ang manyak ng emoji mo, tarantado.
Ace:
Tanga.
Slurp slurp 'yan.
Masarap kumain ng tsismis.
Ah, mali.
Totoo nga pala 'yon, hindi tsismis.
Aeron:
Manahimik, gago.
Kung ayaw mo malaman ni Tito saan napupunta ibang pera mo.
Ace:
Kaya mo bang ipagkalulo ang kaibigan mo?
Talaga lang, ha? HAHAHAHAHAHAHAHA
Aeron:
Itikom mo na lang bibig mo, Ace.
Ace:
Sabi ko nga, ititikom ko na bibig ko.
Pero seryoso, Ron.
Walang halong biro, ah.
Bakit mo tinanggap?
Akala ko ba ayaw mo?
Aeron:
Na-guilty ako sa ginawa ko nakaraan.
Ace:
Sabagay. Kahit ako mararamdaman 'yan.
Pero kung iisipin, may rason ka rin naman.
Kaya choice mo na kung tanggapin mo na sakaling gawin niya ulit 'yong ganoong bagay.
Pero, Ron
Huwag ka naman sana bumigay sa pang-aasar ko sa 'yo o sa guilt na nararamdaman mo. Kasi posibleng parehas lang kayong masaktan sa ginagawa niyo. Lalo na kung umaasa siya na magkakaroon kayo ng chance dalawa.
Saka alam mo naman na may unsolved rumors na kumakalat sa kaniya. Ikaw rin ang madadamay kung sakali.
Aeron:
Advance mo masiyado.
Tinanggap ko lang naman.
Saka una't huli na rin naman 'yon.
Ace:
Una't huli?
Sigurado ka na sa sinasabi mo, Ron?
Pustahan tayo, ano?
Kapag may naumpisahan, may kasunod na 'yan.
Maniwala ka sa 'kin, Ron.
Aeron:
Kailan ba ako hindi naging totoo sa mga sinabi ko?
Ace:
Ulol.
Huwag nga ako, Ron.
Sa pagiging consistent niya sa 'yo?
Ewan ko na lang.
Tandaan mo, sa ganiyan din kami nag-umpisa ni Karina.
At alam kong alam niyo parehas ni Butch 'yon.
Aeron:
Imposible.
Kung kayo lang ni Karina ang pag-uusapan, ugali lang naman problema mo sa kaniya. Maayos 'yon kung hindi mo kukunsintihin.
Isa pa, simula umpisa pa lang, nilinaw ko na rin agad kay Taviana. Kaya kung mag-expect man siya ng higit pa, hindi 'yon mangyayari.
Saka kapag nalaman din ni Aurora 'yon, magtatampo sa 'kin 'yon. Ayaw na ayaw niya ngang lumalapit ako sa ibang tao.
Ace:
Edi kung ganoon naman pala, bakit mo pa kinakausap?
Nagre-reply ka sa kaniya, ano sa tingin mo ang i-e-expect niya?
Pero kung sakali lang naman na umabot sa ganoong punto.
Maiintindihan ni Aurora 'yon kung mag-decide ka ulit pumasok sa isang relasyon.
Baka nga mas matured pa utak no'n sa 'kin. Kahit grade schooler pa lang 'yon.
At baka mas mahal ka pa no'n kaysa sa mga magulang niyo.
Kaya imposible na magtampo o magalit 'yon sa 'yo ng ganoon kadali.
Alam mo kasi, Ron, hindi sa lahat ng oras ay sa bahay, trabaho, at diyan sa kapatid mo iikot ang buhay mo.
Minsan kailangan mo rin lumabas ng tahanan mo para matutunan mo kung paano ikot ng buhay sa labas ng bahay mo.
At kung diyan ka lang iikot, hindi mo makukuha kung ano man 'yang gusto mo.
Kailangan mong lawakan kapaligiran mo para hindi ka nakakulong sa iisang prinsipyo.
