28th January 2022
Friday, 5:17 PM
TRESE-TRES
Ace:
May kainan daw na bagong bukas sa baba ng Avocado.
Puntahan natin bukas.
Libre na raw ni Boots.
Butch:
Ay, puta.
Ikaw nag-aya tapos ako pa paggagastusin mo.
Baka gusto mong isumbong kita kay Tito kung saan ka galing nakaraang araw?
Aeron:
Bakit?
Saan ba galing?
Butch:
Kina Tita.
Pinipilit niyang bumalik sa kanila.
HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHA
Ace:
TANGINA MO
Anong pinipilit?
Hindi ko kaya pinipilit
Iba ang nag-aaya sa nagpipilit, gago
Butch:
Ano tawag mo roon?
Larong hatakan?
"Mame, uwi ka na kasi gusto ko lang."
Ace:
Puwede. Ganda ng suggestion mo.
Pero gusto ko sana mas convincing.
Butch:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA gago
Ace:
Tangina mo talaga
Hindi ko nga pinipilit umuwi!
Ang sabi ko lang, lutuan niya ko ng pabirito ko kasi nagugutom ako.
Aeron:
Ayon lang pinunta mo roon?
Kaya ka nawala nakaraang araw?
Ace:
Nananawa na ko sa luto ni Dade!
Umay na umay na ko sa cycle ng ulam namin
Puro itlog, hotdog, manok, at baboy
Butch:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHH
Aeron:
Mag-aral ka magluto.
Dami mong reklamo.
Ace:
Dapat as chef na lang in-apply mo kina Dade, Ron.
Puro itlog na lang lagi laman ng tiyan ko!
Grabe talaga.
Awang-awa na ko sa sarili ko.
Aeron:
Nakakaawa ka sana.
Kaso kalalaki mong tao, mas mukha ka pang babae.
Butch:
Aralin mo rin magluto paminsan.
Hindi 'yong puro ka landi, tangina mo.
Ace:
Kasalanan ko bang wala akong skills sa pagluluto?
Yayabang niyo, mga gago!
Ay. Hoy, Ron!
Aeron:
Ano?
Ace:
Balik ka namin sa batang kalye
Aeron:
Bakit?
Ace:
Siyempre para kumpleto tayo
Aeron:
Sa inyo pa nga lang dalawa, naiirita na ko.
Magdadagdag pa kayo ng ibang tao.
Ace:
Add mo na raw si Bossing, Butch.
Dami pang sinasabi. Oo at oo lang naman.
Aeron:
Bakit ba?
Ano ia-ambag ko roon? Katahimikan?
Ace:
Nakuha mo!
Para marunong silang mahiya!
Aeron:
Konting-konti na lang talaga pasensya ko sa 'yo.
Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA
Puro kasi sila away sa walang kuwentang bagay.
Malay mo may dala ka palang himala at tumahimik ulit sila.
Butch:
Ginawang taga-awat, amputa.
Ace:
Kailangan natin ng bouncer.
Papasa 'yan si Ron kahit mas mukha kang bouncer, promise.
Butch:
Pakyu.
Ace:
🫰🏻
