TRESE-TRES
02:07 PM
Ace:
Nabasa niyo 'yong message ni Val?
Aeron:
Kababasa ko lang.
Ace:
Naging fan siguro bigla ng Detective Conan 'yon.
Angas ng sagot.
Hindi mo akalain.
Butch:
Anong hindi akalain?
Engot ka lang talaga mag-advice.
Ace:
Hindi ka invited sa conversation, tanga!
Pero seryosong usapan, Ron.
Hindi ka pa rin ba nagtataka sa mga nababasa mo?
Aeron:
Hindi.
Ace:
Minsan talaga, ang sarap mong iwanan mag-isa rito
'Yong totoong sagot, Ron.
O ganito na lang.
Napapaisip ka rin ba minsan kung alam kaya ni Val na magkakilala kayo ni Tav?
O 'di kaya, alam ba ni Tav na mag-ex kayo ni Val?
Butch:
Mukhang namang wala silang alam parehas.
Kung may alam sila, malamang pati sila nagtatalo na rin sa GC.
