TRESE-TRES
07:41 PM
Aeron:
Minsan nakakapagtaka na lang talaga. Kung mayroon palang tension sa pagitan nila, bakit hindi na lang umalis o mag-adjust ang isa sa kanila?
Ace:
Ewan ko rin sa kanila.
Silang tatlo naman ang bumuo niyon.
Kaya sigurado ako puwede nila alisin.
Butch:
Oo nga, 'no.
Baka may rason lang din?
Ace:
Isa kina Jack at Josh, may gusto kay Sue?
Cringe.
Butch:
Puwede naman kasing ayusin privately.
O baka ayaw lang nila alisin pinagsamahan nila.
Aeron:
Kahit na.
Parang pati mga walang alam, nadadamay.
Butch:
Pero mukhang may alam si Kar.
Kita ko lang sa sagot niya kanina.
Ace:
Hindi ko rin talaga alam.
Hindi naman namin pinag-uusapan ni Kar 'yan.
Ayaw rin kasi niyang sabihin sa 'kin at baka lumaki lang.
Aeron:
Pero kung ayon lang tanging paraan para maayos 'yan, bakit hindi?
Ace:
Halata rin naman kasing may tinatago.
Hindi naman siguro aabot sa ganiyan kung wala lang.
Butch:
Ang tanong, ano?
At konektado pa rin ba 'yan sa sinasabi nilang nangyari noon?
Ace:
Paano kung ikaw ang magtanong, Ron?
Baka sakali lang may malaman din tayo.
Para hindi naman tayo parating clueless.
Aeron:
Bakit pati ako kasama?
Ace:
Kasama ka naman talaga.
Hindi ba nga nalaman niya address mo ng hindi mo o namin sinasabi?
Aeron:
Dahil lang doon?
Ace:
Ge na HAHAHAHAHA
Kunwari ka pa, pasimple ka naman nakikibalita
