12th February 2022
SaturdayTRESE-TRES
7:13 AM
Ace:
Ano oras lunch break niyo, mga ugok?7:27 AM
Butch:
2pm pa ang tapos ko.
Nag-extend ang cater.8:11 AM
Aeron:
Maybe 1pm.
Huwag mong pagbibigyan si Aurora sa mga gusto niya.
Panigurado magtutuloy-tuloy 'yan.Ace:
Ge. Noted.10:25 AM
Ace:
Dito na raw kayo dumiretso sabi ni Dade.10:31 AM
Butch:
Bakit daw?Ace:
Ewan ko kay Dade.
Sabihin ko lang na dumiretso kayo rito.
Pero akala ko ba 2pm pa ang tapos niyo?Butch:
Short break habang nagsisimula pa lang ang event.
Pagdating ng 11:30, tuloy-tuloy na kami sa pag-serve.Ace:
Si Ae kaya?Butch:
Kilala mo 'yon.
Kapag nasa trabaho, trabaho lang.
Seen by Ace.1:29 PM
Aeron:
Kamo kay Tito may sasabihin ako tungkol doon sa flower shop na pinapatingin niya.
Nasaan si Aurora? Hindi naman ba umuwi sa amin?2:22 PM
Butch:
Isipin mo, Ace, sa dami ng business ni Tito, puro hilata at kain lang alam mo.Aeron:
Gago.Butch:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Tangina. Maski isa man lang, walang minana.Ace:
Ulol.Butch:
WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAce:
Nagbago na raw pala isip ni Dade.
Huwag na kayong tumuloy rito.Aeron:
Kanina pa nag-text at bilin sa akin si Tito na bumalik diyan.Butch:
Nakakasakit talaga ng damdamin minsan si Tito.
May favorite talaga sa friendlist ni Ace, amputa.Ace:
Anong favorite sa friendlist?
Si Ron talaga anak ni Dade. :DButch:
Ayon lang. HAHAHAHAHAHAHAHAHAAeron:
Pero kumusta sila ni Tita?
Hindi pa rin talaga sila okay?Ace:
Ayaw na talaga umuwi ni Mame.
Noong dumalaw ako sa kaniya, sinabi niya sa akin 'yong rason.
Pero siyempre, hindi ko sasabihin at baka idaldal niyo pa kay Dade.Aeron:
Bakit hindi mo sabihin?
Malay mo ayan ang dahilan para magsama ulit sila.Ace:
Ayaw nga ni Mame na malaman ni Dade.
Naintindihan ko rin naman dahilan ni Mame.
Kilala mo naman si Dade na masiyadong lunod sa negosyo.Butch:
Na kapag sinabi mo kay Tito, baka sa umpisa lang din maging maayos?Ace:
Parang ganoon.
May punto rin naman, 'di ba?
Kaya ang gusto ni Mame, hayaan si Dade para malaman niya kung ano ang pinupunto ni Mame simula umpisa pa lang.