October 17, 2022
Monday
BATANG WALANG LABAN
07:53 AM
Jacksen:
Low, mga lods.
May duty ba kayo ngayon?
Taviana:
What do you think?
Jacksen:
Bakit ba ang sungit mo na naman?!
Pero kapag doon sa kausap mong may bayad bawat letra, sobrang daldal mo?!
Taviana:
Baduy mo talaga
Kaya wala kang jowa, e
Jacksen:
Huwag mong kalilimutan na
Quits lang tayo
'Di ba, hindi ka na naman nirereply-an kamo?
Taviana:
KAILAN KO SINABI SA INYO?
Joshan:
Kahit hindi mo sabihin, halata naman.
HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA
Taviana:
Kapag nag-reply 'yon, who you kayo sa akin!
Diyan na nga kayo!
Magche-check pa ako ng orders!
