113

14 4 0
                                    

November 17, 2022
Thursday

Tatiana Sharienne
pilesofshartiana

11:19 AM

Tatiana:
Girl
Are you okay?
Parang ang tamlay kasi ng chats mo sa GC.
Actually, noong nakaraang linggo pa.
Is it about that guy again?
What if you stop na kaya?
Mukhang wala ka naman na mapapala roon, e.

Taviana:
Alam mo, Tati
Naisip ko na rin 'yan
At ginagawa ko na ngayon.
Pero minsan, I can't help stalking him.
Wait
Can I call instead?
Ang hirap i-type lahat ng emotions

Tatiana:
Sorry, girl
Nasa call kasi kami ni Ton.
Baka magalit 'yon paggising niya kapag binabaan ko.

Taviana:
Okay lang.
I guess I'll stick with this type of confession para hindi mo na rin makita pagmumukha ko.

Tatiana:
Baliw.
Sadness is part of admiring someone.
Lalo na kapag na-reject ka ng paulit-ulit.
Pero sana, huwag mong abusuhin ang sarili mo
Na tipong kahit alam mong inaayawan ka, sige ka pa rin
Pero kung umiiyak ka na sa simpleng rejection niya, tama na 'yan.
Mas lalo lang magiging malalim ang sakit diyan sa puso mo.
Sige ka, baka hindi ka na makahanap ng iba niyan kung sakaling may balak na sa 'yo

Taviana:
HAHAHAHAHAHAAHA
Grabe ka naman
Magbalak agad ang iniisip mo?

Tatiana:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Sana totoo 'yang tawa mo, ha!
Saka totoo naman
Imposible na walang magkagusto sa 'yo
Sa ganda mong iyan?
Sure ako na may ibang tao pa na makaka-appreciate sa kung sino ka
At may ibang tao riyan na sila mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit sa 'yo at hindi mo na kailangan magmukhang aso na naghahabol.
Basta tandaan mo lang lagi na unahin ang sarili kaysa ipagpilitan ang sarili sa ibang taong ayaw sa 'yo.

Taviana:
Sa lahat ng example mo
Aso pa talaga?

Tatiana:
Cute naman kaya ang aso, 'no!
Mas tao pa nga 'yan kaysa sa mga tao.
Hindi ba nga, ang sabi nila, Dog is the man's best friend.

Taviana:
Sige na.
Ayoko na rin magpahaba ng drama at alam mo naman na hindi ako sanay.
Saka mag-check pa ulit ako ng panibagong orders.

Tatiana:
Ay, girl
May suggestion ako para riyan sa business mo

Taviana:
Huh?

Tatiana:
Since it's starting to bloom
Why not hire a helper?
Para kasing nakakapagod na 'yang ginagawa mo
Tapos all in one ka pa kasi ikaw ang sumasali lahat

Taviana:
Ano ka ba?
Ganoon talaga sa negosyo.
Sa umpisa, ikaw lang talaga ang gagawa ng lahat.
Kumbaga parang una ng numero.
Starting point ng lahat ay zero.
Kaya yakang-yaka ko pa rin 'to.
Saka hindi naman porque marami na kong natatanggap na orders ay malaki na ang kinikita ko makakapagbigay na siya ng suweldo. Lalo na't hindi naman din ganoon kamahalan ang products ko.
Plus, tinutulungan din ako ng cousin ko kaya okay pa naman.

Tatiana:
Speaking of your cousin...
Kumusta naman na kayo?

Taviana:
Okay naman na kahit papaano.
Kaya lang madalas ko pa rin feel na ang layo namin.
Lalo na sa situation namin ngayon.

Tatiana:
What do you mean?

Taviana:
Wala.
Sige na.
I'll chat with you again when I have time na lang.
Good morning, btw.
I-kumusta mo na lang din ako kay Leigh.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon