122

12 4 0
                                    

Ace Martinez
imacemartinez

09:33 AM

Taviana:
Nasaan na 'yong message mo?

Ace:
Chill ka lang.
Nagta-type pa lang, e.

Taviana:
Ano naman kaya pakulo mo ngayon?

Ace:
Guwapong curious lang ako, ah.
Totoo ba hindi na kayo nag-uusap ni Aeron?

Taviana:
Matagal na.
Saka kailan ba kami nagkaroon ng pag-uusap na matatawag talaga?

Ace:
What do you mean?

Taviana:
Walaaaa.
Bakit mo ba tinatanong bulod sa curious ka?
Panigurado may dahilan ka kung bakit.

Ace:
Paano kung sabihin ko sa 'yo na hinihintay niya reply mo?

Taviana:
Anong reply?
Ako nga ang last chat, duh.
Huwag mo na ipilit.
Mukhang ayaw naman talaga niya kumilala ng iba.
Saka 'yon?
Kahit ata gumuho mundo, wala 'yon pake.

Ace:
Sigurado ka na ba?
Baka mamaya, magulat kami, kinakausap mo na ulit.

Taviana:
Hindi na, 'no!
May point din naman si Tati.
Bakit ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa tao na ayaw akong kilalanin at umpisa pa lang?
At bakit ako magbabakasakali sa tao na ayaw sumugal?

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon