Butch Valdez
butchirooon
11:03 AM
Butch:
Hoy, Ron
May nabalitan ako sa 'yo.
11:41 AM
Aeron:
Ano?
12:26 PM
Butch:
Grabe, 'di man lang kinabahan.
Aeron:
Gago, ano nga?
Butch:
Wala. Pinakaba lang talaga kita.
Seen
12:31 PM
Butch:
Ipapasok mo na raw ulit si Aurora?
Sabi ni Ace noong pumunta ako kanina sa kanila.
1:47 PM
Aeron:
Depende kay Aurora kung gusto at kaya niya na.
Kapag tinatanong ko kasi, parang natatakot pa siyang sumagot.
At baka ibalik siya ng grade 1 dahil halos hindi naman niya napasukan dalawang quarter.
Butch:
G
usto mong isama at isabay na lang sa kambal?
Nagbabalak pa lang si Mama ipasok sila.
Aeron:
Sabihan kita kapag may sagot na.
Butch:
Sige.
Aeron:
Kumusta pala pamangkin mo?
Butch:
Mukhang okay naman na siguro.
Ewan ko lang kay Bryle.
Aeron:
Huwag mo kasi pilitin.
Magsasabi naman ’yan kung kaya na nila.
Butch:
Alam ko naman. Hindi ko lang minsan makayanan na ganoon sitwasyon nila.
Minsan iniisip ko na lang, bakit pa sila gumagawa ng bagay na hindi rin naman nila paninindigan at ipapasa na lang nang basta sa iba?
Aeron:
Alam mo sagot ko diyan?
Butch:
Oo, wala.
Hayop, wala man lang simpatya.
Aeron:
Buti alam mo.
Butch:
Kaya walang ligaya sa buhay mo, e.
Aeron:
Ano pa sa 'yo?
Butch reacted 😆 to your message.
