120

12 3 1
                                    

November 29, 2022
Tuesday

MBK ORIGINALS

11:13 AM

Ace:
Gago.
Bago pala 'to?
Kaya pala ang konti.

Sierra:
Lutang ka ba, Ace?
Lagpas isang linggo na 'tong bagong GC, ngayon mo lang napagtanto?

Ace:
Kaya pala iba na pangalan.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Taviana:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Akala ko naman alam mo na
Hindi mo ba nabasa 'yong sa dating GC?

Ace:
Siyempre offline ako noong nangyayari 'yon. :)
Kaya pala ang tahimik na rito.
Wala na 'yong pasimuno ng gulo.
Medyo good job kayo banda roon.

Tatiana:
Naging payapa rin 'yong GC.
Si Jack at ikaw naman ang pumalit.

Ace:
Bakit ako?

Natalia:
Parehas kayo naging bangag, e.

Butch:
Nakakahiya ka maging kaibigan, Ace.

Joshan:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Bagong phrase ba natin 'yan dito?

Taviana:
Baka luma siguro.
Ano sa tingin mo?

Sierra:
Sayang.
Kung kailan nabibiro ko na si Wayne.
Isusunod ko sana 'yong Aeron, e.

Ace:
Asa ka pa.
Walang biro-biro sa buhay no'n.

Butch:
Baka nga maging hangin ka lang do'n, e.

Sierra:
Brokenhearted siguro 'yon.
Grabe, hindi namamansin.
Nag-follow request ako tapos ni-decline lang!!!

Natalia:
Kababasa mo lang 'yan ng fiction books.

Sierra:
Gaga. Anong fiction books pinagsasasabi mo?
Nangyayari talaga sa buhay 'yon.
Kapag nawalan ka ng tiwala sa ibang tao, alangan okay lang sa 'yo magpapasok ng kung sino-sino lang, 'di ba?
Of course, you would be careful with choosing people this time.
Duh.

Tatiana:
May point ka naman.
Pero bawasan mo na rin, ha?
Mukhang nasobrahan ka na, e.

Sierra:
Bakit ba kayo nangingialam!!!

Taviana:
Pero 'di ko pa rin makalimutan na tumanggi si Ace sa invitation.
What if i-remove ka naman dito ngayon?

Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Sorry na nga, 'di ba?
May lakad kasi kami no'n.

Butch:
Weh?
Alam ko sinadya mo 'yon, e.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Ace:
Anong ako?
Baka ikaw.

Taviana:
IKAW RIN KAYA

Butch:
Wala akong kasama papunta.

Joshan:
Ano ka, bading?
Kailangan pa ng kasama.

Butch:
Gusto ko may kasama.
Nangingialam ka sa desisyon ko?

Ace:
Ngayon ko lang napansin.
Hindi pala kasama sina Ara rito?

Jacksen:
Na-add lang naman si Ara dahil kay Sue at Kar.
Laging magkakasama 'yang tatlong 'yan.
Kapag isa lang binalik mo, delikado ka.

Joshan:
Mabait naman si Ara.
Maganda pa rin 'yong sigurado.
Nakakapagod na rin umawat ng gulo rito.
Kaya huwag niyo na isama sa usapan.
Para walang masamang espirito na sumanib.

Taviana:
Tanga.
Ikaw 'yong espirito
Na patay gutom.

Joshan:
SML?

Taviana:
Sige
Kailan ba?

Joshan:
:)

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon