64 4 1
                                    

FOR AERON, reconnecting to love wasn't as easy as how it was said. It wasn't like an empty bottle that was easy to throw in anywhere to get rid of it, especially if they learned the different kinds of love and pain in a hard way. It wasn't like an engine that is always ready to go to next route and wander around the place of someone's heart.

Because love is dread, mystery, or whatever misconception was given and taught to them throughout their journey.

Lalo na kapag ang gagawa niyon ay matagal na nawalay sa paniniwala sa salitang pagmamahal at tinabunan ng maraming pangamba at pagdududa. Dahil iyong mga bagay na dati ay maliit lamang para sa kanila, unti-unti nagiging malaki ang halaga niyon sa kanila. Na para bang isang pangarap na kailangan paghirapan at pagtiyagaan para makuha.

Tulad ng pagtitiwala. Sa umpisa ng hamon ng buhay, para itong kendi na madali lamang ipagkaloob at bilhin sa isang tao. Ngunit habang tumatagal ay tumataas ang halaga nito.

Dahil para sa isang tao na nakaranas ng kalupitan sa mundo at napagtanto ang tunay na ikot nito, hindi ito tulad ng isang kendi na puwedeng ibahagi nang libre na walang katugon.

"Ang sabi nila, kapag hindi mo raw kayang maniwala ay hindi mo rin kakayanin magbigay," biglang pagtatala ni Taviana habang pababa sila ng hadgan na para bang nababasa ang nasa isip niya.

May katotohanan ang pariralang iyon. Ngunit sa dami ng mapaglarong mga labi't mga mata, mahirap kalkulahin kung sino sa kapaligiran ang nagpapakita at nagsasabi ng katotohanan. Hindi rin sa lahat ng oras ay pinaiiral na dapat sugal lamang nang sugal na hindi pinag-iisipan ang pupuwedeng kahantungan. Dahil maaari iyon magdulot ng kalugmukan.

Kaya mula noong maranasan niya ang kahirapan sa pagtitiwala sa kaniyang paligid, ni minsan ay hindi na muling sumagip sa kaniyang isipan na kumilala ng panibagong tao sa buhay niya. At mas lalo ang pumasok sa sitwasyon na hindi niya alam kung mayroon bang kasiguraduhan o kahihinatnan. Kasama na roon ang pagbibigay ng pagkakataong hayaan ang puso na muling humanga sa isang tao. Lalo na sa isang babae. Lalong-lalo sa isang gaya ni Taviana.

But maybe, just maybe, facing his fears might be the reason for his life to improve. And if making his way out of the dark and in the shining yellow could be the start of feeling fulfillment, he would try for the better.

Mayamaya ay nabaling ang tingin niya sa kabilang gilid nang maramdaman ang paghinto ng ilang mga yabag.

"Bakit?" Iyon tangi ang namutawi sa mga labi niya nang umikot ang pagtataka sa isipan. Hindi pa nga nila nararating ang shed para sa mga naghihintay sa susunod na hihintong bus.

"Naisip ko lang. Kahit saan pala tayo magpunta ay magulo talaga ang mundo, 'no?"

Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon.

"Pero para sa akin, may kagandahan pa rin siya kahit punong-puno siya ng alikabok at may kasamang buhangin ang ihip ng hangin." Nilagay nito ang dalawang kamay sa likod. "Kaya sa tingin ko ay may kakayahan pa rin ang mundo na mas lalo siyang gumanda depende sa kung papaano mo siya titignan... Kasi naniniwala ako na kapag kaya mong tignan ang kaliwanagan niya ay kaya mo rin sila bigyan ng halaga nang walang pagdududa."

"At kapag hindi mo sila kayang bigyan ng halaga, ang ibig sabihin lng niyon at kayang-kaya mo silang pagmalupitan. Tama?"

Huminto ito sandali sa paglalakad ngunit hindi ito lumingon sa kaniya, na siya namang nagpadagdag ng bigat sa kaniyang dibdib. Lalo na noong kahit lumipas ang ilan pang minuto ay wala man lang ito naging tugon sa sinabi niya.

Sa bawat patak ng segundo na pananahimik nito, para siyang binubuhusan ng kumukulong tubig sa mga linyang iyon. Marahil nararamdaman niyang may malalim na dahilan kung bakit iyon nasabi ni Taviana at hindi na nito dinugtungan pa ang kaniya.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon