TRESE-TRES
07:55 PM
Ace:
Ano na balita, Ron, sa pag-uusap niyo?Aeron:
Wala pa rin.Ace:
Tinanong mo ulit?Aeron:
Delivered.Butch:
Baka umiiwas na 'yan.
Sabi ko sa inyo, posibleng umiwas agad 'yan dahil kinakain ng guilt.Ace:
Pero kita mo rin naman usapan nila kanina, 'di ba?Butch:
Oo.
Pero kasi kahit inamin niyang mali 'yon, gaya ng sabi niya, nasaktan siya sa nangyari.Ace:
Hindi ba, kasalanan niya 'yon?Aeron:
Why would she send me packages if we never know each other?
Kaya ko pang tanggapin 'yon kung magkakilala na kami ng matagal.Ace:
Parang sumobra.Aeron:
Pero nagtataka ako.
Paano ba talaga ako nakilala no'n?Ace:
Hindi ba nga mayroon akong post na na-tag sa 'yo?
Doon nagsimula kung bakit kami naging close.
Panay siya tanong.Butch:
Last year pa 'yon, ah?Ace:
Oo. Kaya noon niya pa ko kinukulit.Butch:
Hindi ka naman siguro naglabas ng personal info, 'no?Ace:
Tanga. Bakit ko gagawin 'yon?
Ang tinatanong lang naman niya kung madalas kami nagkakasama.
Kaso mukhang nainip kaya siya na mismo lumapit.Aeron:
Siya 'yong sinasabi mo noon pa?Ace:
Oo.
Pero nagulat talaga ako saan nanggagaling mga nakukuha niyang info.
Kahit i-raid niyo pa ang account ko, wala akong matandaan na binigyan ko siya.
