044

31 4 1
                                        

24th April 2022
Sunday

MGA BATANG KALYE

07:19 PM

Taviana:
Helloooo!

Sierra:
Hanep naman sa paramdam.
Gabing-gabi na.

Tatiana:
At least may paramdam.

Sierra:
Isa ka rin naman!
'Yong message ko nga, kahapon pa 'yon.
Tapos hindi mo man lang tinitignan kahit online ka naman!

Tatiana:
Sensya naman. Malapit na kasi ang end school year.
Kaya medyo busy rin sa pag-compute ng grades.

Sierra:
Tamo. Nawala na naman 'yong isa.

Taviana:
Sorry, nawindang lang talaga ako sa biglaang orders.

Sierra:
Check mo pala message ko, may sinend ako sa 'yo importante.

Taviana:
Later!
Tapusin ko lang 'tong pakikipag-deal ko.

Natalia:
Tav, may tanong ako.

Taviana:
Ano?

Natalia:
Kung busy ka, bakit kasama mo 'yong dalawa kahapon?

Taviana:
May kinuha lang na orders.
Mayroon kasing kumuha na sila ang nakakakilala.

Ariannè:
Ayon naman pala, busy lang.
Kung magsalita 'tong isa, akala ko kung ano na ang nangyari.

Taviana:
Ha?

Karina:
HOY, ARA
Huwag mo ng simulan.
Tumahimik na nga.

Joshan:
Bakit?
Ano na naman ginawa niyan?

Ariannè replied to Karina:
Sus. Tigilan mo na 'yang pagtatanggol sa kanila, Kar. May mali rin naman twlaga 'yang mga kaibigan mo sa nangyari.
Saka wala naman talaga nakakaalam ng buo at totoo.

Karina:
Kaibigan ko lang?
Wow. Parang pinalalabas mo na tinakwil mo na kami niyan.
Akala mo naman makakapasok ka sa group kung hindi dahil sa akin.

Lewel:
Tama na 'yan.
Hindi 'to ground boxing para magpahabaan ng belt.

Jack:
Kaya nawawala sigla ng GC, binibigyan niyo lagi ng problema na wala naman konektado sa amin.
Kung may naging problema kayo sa isa't isa sa ibang paraan, huwag kayo dito.

Natalia:
Wow. Hanep na hanep sa pagkakasabi ng "sigla."
Anong klaseng sigla ba ang gusto mo, Jack?

Tatiana:
HAHAHAHAHAHAHAHA GAGO

Jack:
Tikom mo na lang bibig mo.

Natalia:
Hindi naman bibig ang ginagamit sa pagta-type, duh!

Leighton:
ANG INGAY NIYONG LAHAT!

Sierra:
Wow. Lewayne is that you?

Leighton:
Wow. Sierra na ba ang ulo mo?

Lewel:
Korni mo, tanga.

Tatiana:
Lagi naman.

Joshan:
Hanep sa bilis ng kamay.
Nawala lang sandali, dami agad.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon