27th April 2022
WednesdayTRESE-TRES
01:42 PM
Ace:
Natanong mo na, Ron?Aeron:
Hindi pa. Bakit?Ace:
Hindi pa nag-message sa 'yo?Aeron:
Kailangan ba talagang itanong pa?Ace:
Malamang,
Kaysa maghintay ka naman sa wala?Aeron:
Mas mabuti na 'yon.
Baka kapag tinanong ko pa, mangulit na naman.Butch:
Depende.
Apat lang naman ang puwedeng mangyari.Ace:
Apat?
Ano?Butch:
Kapag umamin siya kung saan nanggagaling 'yong info na nakukuha niya, puwede siyang makaramdam ng guilt. Kaya paniguradong iiwas agad.
Pero puwede rin na mas lalo siyang mangulit. Lalo kapag dumoble 'yong guilt na naramdaman niya. Para bumawi at itama ang ginawa niya.
That would be her only way to cope up with embarrassment.
Lahat ng tao ginagawa 'yon para lang ma-cover up kung ano man bumabagabag sa kanila.Aeron:
Tapos?Butch:
Magpapatuloy siya sa pagsisinungaling para mapanatiling malinis ang pangalan niya sa 'yo. Lalo kung matibay ang loob niya na makuha talaga ang gusto niya.Aeron:
Wala naman siyang makukuha.Butch:
May tao bang nangungulit na walang gusto sa 'yo?
Kung ano man mga pinagsasabi niya sa 'yo para mapanatili conversation niyo, malamang para-paraan niya lang 'yon.Ace:
Tapos?Butch:
Hindi siya aamin.Aeron:
Kasi?Butch:
Hindi lang siya aamin at magsasalita hanggang humupa'yong sitwasyon.
That could be her another way.
Para kalimutan mga naging kasalanan at para hindi na maalala ng ibang tao na makakaalam.Ace:
Dahil sa sinabi mo, napapaisip tuloy ako na baka tama si Ron.
Paano kung si Sue mismo ang tanungin natin?Aeron:
Anong natin?
Bakit kasama na naman ako?Ace:
Sabi nga nila
The more, the merrier.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAAeron:
Pera panggastos ang kailangan ko, Ace.
Hindi gulo sa social media na hindi talaga ako involve.Butch:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA GAGO