21st July 2022
ThursdayTaviana Garcesia
altabiyana12:00 AM
Taviana:
Happy birthday.10:12 AM
Taviana:
Seen na naman!!!
Wala ka man lang ba irereklamo?!12:58 PM
Aeron:
Anong irereklamo ko?
Hindi ba dapat "wala man lang thank you" 'yon?Taviana:
HINDI!!!
Hindi ka man lang ba magrereklamo sa 'king kung bakit ang tamlay ng pagkakabati ko sa 'yo???
Tapos kung bakit wala akong gift sa 'yo, gano'n??? T_TAeron:
Bakit? /erase/
Bibigyan mo ba ako? /erase/Taviana:
Bakit kasi napakaseryoso mong tao? ʕ'•ᴥ•'ʔAeron:
Pinagsasasabi mo?Taviana:
Hindi mo man lang ba sasabihin na—
"Nasaan na 'yong gift ko?"
Ganoon!
Wala ka man lang bang kakapalan ng mukha?Aeron:
Makapal na mukha mo, kakapalan ko pa 'yong akin?Taviana:
HA????????????????????
EDI INAMIN MO RIN!!!
SABI KO NA HINDI MO RIN MATITIIS GANDA KO, EH!Aeron:
Saang banda ako umamin?
Nasobrahan na pagka-delusional mo.Taviana replied to:
(Makapal namukha mo, kakapalan ko pa 'yong akin?)
Huwag ka mag-alala, ipapadala ko naman. ( ◜‿◝ )01:11 PM
Taviana:
AYAN, HA!!!
SINABI KO NA SA 'YO
HUWAG MO NA ULIT IBABALIK!!!
Pinagirapan ko pa man din 'yan!
Kaya nga nawala ako ng ilang week. (✷‿✷)
Kahit na pinagtampo mo ako
Tapos hindi man lang sinuyo (。•́︿•̀。)