094

23 4 0
                                        

4th September 2022
Sunday

TRESE-TRES

02:21 PM

Ace:
Nasaan kayo ngayon?

Butch:
Nasa bahay malamang.

Ace:
Tara sa baba.
Bulalo tayo.
SIYEMPRE LIBRE KO
KASI AKO NAG-AYA, 'DI BA?
SAKA WALA KAYONG PERA

Butch:
HAHAHAHAHAHAHA
Bakit parang galit ka?

Ace:
Tanga.
Kabisado ko na mga linyahan niyo kapag inaaya kayo.

Aeron:
Sa wala kaming pera.
Anong magagawa mo?

Butch:
HAHAHAHAHAHAHAHA ano?

Ace:
Sabi ko nga ako na lang mag-isa ang kakain. 😃

02:34 PM

Butch:
Wala ba kayong napapansin?

Ace:
Tulad ng, ano?

Butch:
Parang ang tahimik ng MBK.
Pati 'yong tatlong pasimuno ng GC, parang biglang naglaho.

Ace:
Oo nga.
Ewan ko rin kung bakit.
Kaya hindi na ko lumalapag.
Baka i-seen at gawin pa kong last chat.
Si Aeron lang puwede mag-last chat sa 'kin. :)

2 people reacted 😆 to Ace's message.

Butch:
Magba-buwan na yatang ganoon 'yon, 'no?

Aeron:
Baka narindi na sa walang kuwentang pagtatalo ng dalawa.

Butch:
Naririndi na rin ako kay Ace.
Puwede rin kaya tayo maglaho?

Ace reacted 🙂 to Butch's message.

Ace:
OK.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon