5th February 2022
Saturday, 2:26 PMMGA BATANG KALYE
Natalia:
Nasaan si Taviana?Jack:
Ewan. Baka busy ulit sa business niya.
Kapag ganiyan, 'di talaga mahagilap.Joshan:
Birthday ng daddy niya.
Kapag ganitong araw pinagluluto niya si Tito.Natalia:
Kaya pala ang tahimik ngayong araw.
Teka, i-message ko nga!Sue:
Akala ko kaya hindi mahagilap kasi nakahanap ng biktima.Joshan:
Sa totoo lang, Sue, matino pa 'yon sa 'yo.Sue:
Matino ba 'yong ganoon?
Eh, halatang-halata naman.
Masiyado lang kayong invested kaya ganiyan kayo.
Kung makilala niyo lang siya at pamilya niya personally, baka magsisi rin kayo na nakilala niyo 'yang babaeng 'yan.Tatiana:
Alam mo, Sue, wala rito 'yong tao sinisiraan mo pa.
Saka sino ba sa mga tao rito ang maniniwala sa 'yo?
Ikaw lang naman ang may problema sa kaniya.Sue:
Ako nga lang ba?
I'm pretty sure that there is someone who wants to call her out.
But since she was surrounded with these who keeps protecting and covering her lies, no one dared to speak up.Tatiana:
Huh? Who wants to call her out?
There's nothing to be called out about her.
Taviana can get along with everyone.
In fact, as I just said, you are the only one who has problems with her.
Sa anong dahilan?
Hindi namin alam.
Pero puwedeng sa pangyayari noon.
Kung iyon man ang dahilan, hindi naman ikaw ang biktima.
At mas lalong hindi ikaw si Elspeth o ang girlfriend ni Ryner.
Kaya nga hindi namin maintindihan pinanggagalingan ng galit mo kay Taviana. Dahil wala naman siyang ginawa kundi makibagay sa lahat.
Besides that, kung ayaw mo talaga kay Taviana, bakit ka nandito?
For a reminder lang, ha.
Wala ang grupo na 'to kung hindi dahil kay Josh, Jack, Tav, at Ry.
Kaya kung ano man ang dahilan bakit ka nandito, pag-isipan mo ng maayos. Baka ikaw ang kawawa sa bandang huli sa pinaggagawa mo.
Pakitago mo na rin 'yang pangkalye mong ugali.
Masiyado ng halata insecurity mo sa buhay.