Tatiana Sharienne
pilesofshartiana
12:00 AM
Tatiana:
Maligayang kaarawan mula sa maganda mong kakambal! MMTC para MDTC. Sana magka-jowa ka na ulit. Pero this time, huwag na sa may sabit, ha?
Kaya kung trip mo talagang i-chase 'yang Aeron, i-make sure mo munang walang magiging sabit, ok? I-sure mo na hindi pa niyan love ex niya (kung mayroon man).
Remember: check the reviews first before clicking the place order!
08:45 AM
Taviana:
Grabe ka sa akin, ha!
Imbis na ako, sarili mo naman pinuri mo!
Saka ginawa mo namang online shop!
Pero salamat! Na-appreciate ko pa rin pagbati mo.
Tatiana:
HAHAHAHAHAHAHA SARREH.
So anong handa mo today?
Taviana:
Wala.
Ayokong maghanda.
Marami rin kasi akong aasikasuhin na orders.
Tatiana:
Special day mo tapos unahin mo 'yang orders?
Wala ka bang special holiday para sa sarili mo?
Makakapaghintay naman 'yan!
Taviana:
Sayang din naman kasi.
Marami-rami rin 'yon.
At saka nasanay na rin ako.
And to distract myself na rin.
Tatiana:
Okay, if you say so.
Pero curious lang ako
Binati ka ba ni lover boy?
Taviana:
Sinong lover boy?
Tatiana:
Sino pa ba?
Edi 'yong kinukuwento mo sa akin!
Si Aeron!
Taviana:
AH!
Anong lover boy?
Hindi nga ako gusto no'n!
Tatiana:
AY
HINDI BA?
SORRY
NADULAS
HAHAHAHAHAHA
Taviana:
Ewan ko sa 'yo!
Anong MMTC at MDTC?
Tatiana:
EDI MORE MONEY TO COME PARA MORE DATE TO CHASE, DUH
PERO IYONG TOTOO
BINATI KA NGA NIYA?
Taviana:
Oo.
Bungad nga pangalan niya kanina kaya hindi agad ako nakapagreply sa inyo.
Kaso ang cold naman ng pagkabati niya!
At hindi pa rin nagre-reply sa response.
Pero at least naisipan niya kahit papaano, 'di ba? HAHAHAHAHAHA
Tatiana:
Sus!
Kilig na naman tumbong mo!
Hindi ka nga gusto, 'di ba?
Gaya ng sabi mo
Taviana:
Letse ka
At least sumaya ng ilang second puso ko
Binawi nga lang agad HAHAHAHAHAHAHA
Tatiana:
Pero matanong ko nga.
Hindi ba sabi mo, hindi kayo mutual, 'di ba?
Paano niya nalaman na birthday mo kung ganoon?
Taviana:
Baka sinabi ni Ace o Butch.
Iyon lang naman ang tanging paraan para malaman niya kasi walang curiosity na bumabalot sa katawan no'n!
Sa trabaho at kapatid niya nga lang umiikot mundo niya.
Saka nakuwento ko naman sa 'yo, 'di ba?
Noong unang beses ko siyang chinat para "makipag-kaibigan" na nauwi naman din sa rejection, hindi man mismo 'yong exactly na sinabi niya, pero ramdam ko na hindi talaga siya interested magpapasok ng kahit sino bukod sa mga matagal niya ng kaibigan.
Tatiana:
Kung ganoon, bakit mo pa sinisiksik ang sarili mo?
Akala ko ba natuto ka na sa nangyari sa 'yo noon?
Hindi ba nga nangako ka pa sa amin na uunahin mo na ang sarili mo?
Eh, bakit parang hindi naman ganoon ang nangyayari?
Pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto mapabilang sa buhay nila.
I mean, hindi naman kayo ganoon kalapit ni Aeron, hindi ba?
So anong dahilan ang pumipigil sa 'yo na iwasan na lang siya?
Taviana:
Kailangan ba kami naging magkalapit?
Eh, ako nga lang nag-e-effort magkaroon kami ng usapan.
Tapos ako na nga lang parati ang nagkukuwento sa kaniya, wala pa siyang mabigay na sagot! T_T
Tatiana:
Then why not just move on and find another who can give the same vibe you are giving?
Taviana:
I was trying. Pero alam mo 'yon?
Kapag sinusubukan ko na i-detach 'yong pagkagusto ko sa kaniya, bigla kong mararamdaman na "baka may chance naman" at pinipilit niya lang talaga pigilan ang sarili niya.
Siguro dahil sa kung ano man naging karanasan niya from the past?
Tatiana:
Eh, ano ba sa tingin mo ang naranasan niya noon?
Pero kasi, Tav, kung ayaw niyang i-risk 'yong sarili niya, ano pang pinagdadalawang isip mo?
Taviana:
Ewan ko rin.
Hindi ko alam.
Ang alam ko lang, nagustuhan ko siya sa kung sino siya.
Tatiana:
So may rason ka kung bakit mo siya nagustuhan?
Eh, parang nawawala na rin naman 'yong reason na 'yon.
Sa tingin mo, simpleng pagkagusto na lang 'yan kung hirap ka na rin makawala sa nararamdaman mo sa kaniya?
Taviana:
Or maybe... I only keep feeling like this because I am still on the thrilling part.
Tatiana:
Well, you wouldn't know that until it happened.
