077

18 3 0
                                    

3rd July 2022
Sunday

Taviana Garcesia

07:39 AM

Taviana:
GOOD MORNING, AERON!!!

09:27 AM

Taviana:
Did I told you that I have a cousin?
Kung hindi pa, ito na nga sinasabi ko na.
Pero until now, naiilang pa rin ako sa kaniya.
Kaya nga hindi ko magawang ipakilala siya sa friends ko.
Sa 'yo pa lang. ^^
Yiieee!
Charing!

09:33 AM

Taviana:
Nagdadalawang isip akong sabihin kaso ang hirap ng magtago dahil kadugo ko naman siya pero bakit hindi ko man lang feel presence niya. Kahit nasa iisang bubong lang naman kami.
Akala ko pa naman kapag may makakasama ka na sa loob ng bahay, magiging maliwanag 'yong paligid mo.
Pero hindi pala :((
Charotism lang pala 'yon

09:39 AM

Taviana:
Pero alam mo kahit simula noong lumipat siya rito, never ko naramdaman presence niya.
Ikaw, masungit ka lang pero hindi ka naman mahirap lapitan.
Pero siya, hindi ko man lang makakuwentuhan kahit isang sandali lang.
Lalo nakapag nakatutok siya sa phone niya or sometimes sa note niya.
Parang may invisible na karatulang nakalagay: "Bawal lumapit." Ganern!
Ganiyan ka rin ba minsan sa pinsan mo?

09:56 AM

Taviana:
Online ka naAaaaa
Wala kang kawala sa 'kin today
Linggo kaya ngayon!!!
Wala ka man lang ba ire-react sa kuwento ko, ah?
Or even just a little bit of advice?

11:02 AM

Aeron:
I don't have a cousin so I don't know.

Taviana:
Grabe naman 'yang gising mo!

Aeron:
Kanina pa ko gising.

Taviana:
Sabi ko nga ini-ignore mo lang ako!
Ang sakit-sakit mo ng kausap, ha!
Wala na.
sAd nA aqOuh :(((

Aeron:
Hindi naman ako tulad mo na phone agad ang hawak.
Nag-aasikaso ako ng kapatid at ng bahay.

Taviana:
Kahit i-greet mo lang ako pabalik, eh!

Aeron:
Sina Ace at Butch nga hindi nagrereklamo.
Tapos ikaw na kung sino lang, ang kapal ng mukha mag-demand.

Taviana:
Ouch sa kung sino lang, ha
Pero ano lunch mo today? ^_^

Aeron:
Sinigang.

Taviana:
ULIT?!

Aeron:
Anong ulit?

Taviana:
Ayan din kaya sagot mo noong tinanong din kita dati!

Aeron:
Kausapin mo na lang ulit sarili mo.

Taviana:
Teka lang!!!

Aeron:
Ano?

Taviana:
Wala ka pang sagot sa kuwento ko kanina!

Aeron:
Wala akong sagot, 'di ba?
Edi wala akong masasagot.

Taviana:
K.
Kahit man lang konting advice!
Wala talaga?

Aeron:
Problema mo 'yan tapos ako pagpoproblemahin mo?

Taviana:
KKK>
Tatlong K na 'yan.
Ibig sabihin tatlong beses mo rin ako susuyuin.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon