December 24, 2022
Saturday
Tatiana Sharienne
pilesofshartiana
02:23 PM
Tatiana:
Shuta. Ang hirap pala makasagap ng signal dito.
Bakit noon parang hindi naman? 😭
Taviana:
Kaysa naman sa mayroon, pero ang boring.
Paulit-ulit pa lumalabas sa feed ko 🙄
Tatiana:
Wala ka bang orders?
Taviana:
Ilan na lang naman.
Nagpa-cut off kasi ako noong Thursday
Kasi kapag hindi ko ginawa, panigurado wala akong time ng ganitong araw.
Tatiana:
Nakalimutan ko pang mag-order sa 'yo
Para sana sa Tita ko.
Mahilig pa naman sa bouquet 'yon.
Taviana:
Puwede naman kitang i-habol.
Tatiana:
Gaga.
Malayo ang Bolinao riyan.
Sa new year na lang.
Reserve mo ako ng slot
Taviana:
Okay, I'll reserve u.
Just tell me the details.
Tatiana:
I-chat ko later kapag malakas na ulit signal ko.
Oo nga pala. Bakit parang wala rin sina Jack at Josh?
Taviana:
Nasa outing sina Josh.
Kasama niya raw family niya at ni Sue
Hanggang bagong taon daw sila roon.
Ewan ko lang kay Jack.
Nakaraan pa 'yon biglang nawala
Tatiana:
Ah! Kaya pala tahimik 'yong bruha!
Sige na, balak ko lang talaga mangamusta.
Pawala na rin signal ko rito.
May limit time lang buwiset.
Taviana:
Pasalubong ko, ha!
Best daw nila 'yong Bamboo Rice Cake!
Tatiana:
Oki
Dadalhan kita, girl
