19th May 2022
Thursday
Taviana Garcesia
altabiyana
08:32 PM
Taviana:
AEROOOOON
May survey ako sa 'yo!!!
HOOOOOY
Promise, seryoso 'to!
08:44 PM
Taviana:
Aeron!!! ʕ´• ᴥ•̥'ʔ
Seryoso 'to, I swear!
Aeron:
How serious?
Taviana:
Paano kapag nalaman mong mayroon ka palang second cousin sa mother side mo. Ano ang gagawin mo?
Aeron:
Nothing.
Taviana:
Nothing?!
Ang tipid mo naman!
Ang haba ng tanong ko tapos one word lang sagot mo? (╥﹏╥)
Aeron:
Ano ba dapat?
Taviana:
Wala ka man lang care na makipag-friend, gano'n?!
Aeron:
You asked me what will I do.
Taviana:
Wala ka man lang bang joy na nakakilala ka ng tao sa life mo?
Aeron:
Should I throw a party for meeting new people?
Taviana:
Siyempre!
Kami nga ni Daddy, nag-wine cheers pa noong nag-reply ka! (◍•ᴗ•◍)
Aeron:
Puwede ka na ulit makipag-wine cheers with your Dad.
Taviana:
Bakit?!
Sinasagot mo na ko?!
Aeron:
What?
Taviana:
Bakit?
Lalaki lang ba puwede manligaw, ah?
Aeron:
Ang cringe mong manligaw kung ganoon.
Taviana:
HAAAA?!?
