TRESE-TRES
12:15 PM
Ace:
Nakita niyo na rin ba?01:10 PM
Butch:
Ace, tanong mo nga kay Tito Andy kung mayroon pang vacant? Kailangan kasi namin ni Mama ng extra money para sa pasukan ng kambal.Ace:
Hanep sa tanong.
Mamaya pagdating nila.
Nagpasama kasi siya kay Aeron kanina.
Pero akala ko ba kasama ka pag-service nila ng cater?Butch:
Hindi ako pinasama ni Tito kasi malayo na 'yong mga event.Ace:
Malamang.
Kilala mo rin naman 'yon si Dade pagdating sa inyo.Butch:
Sabagay.
Pero teka nga.
Ano munang "nakita niyo na rin ba" ang tinutukoy mo?Ace:
Ex ni Ron.
Nag-activate siya ng account niya?
O namamalikmata lang ako?Butch:
Oo.Ace:
Ha?
Anong oo?
Alam mo?Butch:
Nagulat lang din ako.
Pagtapos ng halos isang taon biglang lilitaw.
Nag-message pa sa akin kaninang madaling araw.Ace:
Anong sabi sa 'yo? Alam na ba ni Ron?
Saka bakit sa 'yo at hindi kay Ron?Butch:
Alam niyang nag-message sa 'kin.
Babaw nga ng tanong. Hindi mo alam kung sadyang gumagawa lang ng dahilan.Aeron:
Alam mo, Ace, kaysa puro daldal ginagawa mo sa social media, pakainin mo si Chairo at Paloma.
Utos ni Tito kasi mamaya pa kami makakauwi.
Pasilip na rin si Aurora. Nanonood lang naman 'yon doon.
Salamat.Ace:
Ge.
Pero teka muna
Ano pala balita roon sa nakukuhang info ni Tav?
Sinabi niya na sa 'yo kung saan niya nakukuha?Aeron:
Hindi.Ace:
Bakit hindi pa?
Nagsabi siya sa akin na sa 'yo niya raw mismo sasabihin.Aeron:
Bigyan ba naman ako ng kondisyon.
Kung ikaw siguro, hindi ka rin papayag.
Siya na may kasalanan, siya pa may kondisyon.Butch:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA GAGO
SERYOSO BA?Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kaya pala ganoon na ang sinasabi sa 'kin.
Hanep talaga ng trip no'n!Butch:
Lakas na siguro ng amats niyan sa 'yo.Ace:
Anong siguro?
Malakas na talaga amats no'n kay Aeron!
Sino ba namang matinong tao na kahit ni-reject na ng ilang beses, hindi man lang matinag at matigil?
Siya lang talagang bukod tangi.