13th February 2022
Sunday
MGA BATANG KALYE
Sierra:
Tahimik, ah.
Ano plano niyo bukas?
Tatiana:
Siyempre papasok.
Ano pa ba?
Sayang ang sahod.
Sierra:
Malamang teacher ka.
Talagang papasok ka kasi wala kang choice, duh.
Tatiana:
Bakit mo ba tinatanong?
Bibigyan mo ba kami?
Sweet mo namang kupal ka.
Sierra:
Ha?
Bakit naman ako mamimigay kung puwede naman tayo manghingi kay Tav?
Taviana:
Walang libre ngayon.
Pero promo, mayroon.
Leighton:
Binigyan ng promo, amp.
Joshan:
Tanga.
Ang tawag diyan "walang libre sa taong badtrip."
Taviana:
Mali.
Maraming say sa tao dahil hindi nalibre.
Joshan:
Wow.
Ako pa ngayon ang nabaliktad.
Angas!
Pero kapag ibang tao...
Jack:
"Hindi baleng maubusan, 'wag lang ang taong gusto ko."
Ganoon?
Joshan:
Tangina mo.
Bakit ka pa ba nabuhay?
Jack:
Sus.
Taviana:
HAHAHAHAHAHAHA
Mabura na sana kayong dalawa sa mundo!!!
Natalia:
Teka, bago kayo magsi-seen.
Sinong "ibang tao" muna ang tinutukoy niyo?
Jack:
Secret.
Taviana:
WALANG CLUE.
Ace:
Lagyan natin ng clue.
Taviana:
Nasa amin lang 'yong linya, Ace.
Hindi ka naman siguro mukhang singit para umepal, 'no?
Tatiana:
Dugyot, ha. HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Taviana:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA
Mamaya na nga kayo!
Marami pa kong inaasikaso!
